SINO nga kaya iyang inggit na inggit sa mga nai-post na pictures ni Sunshine Cruz habang siya ay nagbabakasyon sa Balesin? Kasalanan ba ni Sunshine kung hanggang ngayon ay sexy pa rin siya? Hindi ba nila matanggap ang katotohanan na mukhang lalong naging sexy at mas gumanda pa si Sunshine ngayon matapos niyang mahiwalay sa kanyang asawa? Naiinis ba sila dahil mas nagiging bongga ngayon ang kanyang career bilang isang aktres?
Ang tingin namin inggit na inggit iyong mga pumapansin eh. Ampalayang-ampalaya ang mga comment nila eh. Bakit nga ba ganoon?
HATAWAN – Ed de Leon