SA mga nanlalait kay Ritz Azul na kesyo starlet at lutong makaw ang pagiging aktres, excuse me po ha! Kahit noong nasa kabilang network pa lang si Ritz, hindi na rin matatawaran ang kanyang galing sa pag-arte.
Mahusay po siya at malalim ang hugot kapag isinalang na sa harap ng kamera.
Isa po si Ritz Azul sa may magandang kinabukasan sa mundo ng showbiz dahil nakikita namin sa kanya ang pagmamahal sa trabaho at seryoso siya. Alam din naming magaling siyang umarte. Hindi po ‘yan kukunin ng Kapamilya Network kung wala silang nakikitang talento sa aktres. Hindi po ‘yan susugalan lalo na ng Dreamscape Entertainment kung wala itong ibubuga!
Bukod kasi sa magandang mukha at kaseksihan ni Ritz, naku, marami siyang patataubin, pangako ‘yan lalo na ngayong isasalang na siya sa teleseryeng The Promise Of Forever kasama si Paulo Avelino na isa na rin ngayon sa mga tinitingalang aktor sa bakuran ng ABS-CBN.
REALITY BITES – Dominic Rea