KAYA naman pala wala nang usapan matapos na mag-post si Robin Padilla na wala na siya sa ilalim ng Vidanes Talent Management ay dahil nagkasundo sila ulit after one day.
Tama naman na kung nagkaroon sila ng differences, pag-usapan nila iyon at magkasundo. Hindi natin maikakaila na pareho naman silang nakinabang sa kanilang partnership. Hindi nga siguro magiging talent manager si Betchay Vidanes kundi dahil kay Robin. Hindi rin naman siguro makaka-maintain ng kanyang popularidad si Robin kung wala si Betchay.
HATAWAN – Ed de Leon