NAGHAHANAP ng manghuhula ang isang male star dahil hindi niya malaman kung ang hard drive na ginagamit niya sa kanyang computer ay naiwaglit lamang niya o nanakaw sa kanya. Medyo kabado siya, dahil sinasabi nga niyang nasa hard drive na iyon ang ilang “personal videos” niya.
Hindi nga lumipas ang mga araw, may isa kaming source na nagsabi sa amin na may scandal video raw ang nasabing male star sa isang gay porn site sa internet. Hindi naman namin mapasok ang site dahil kailangan member ka at nagbabayad ka ng membership. Nang sabihin namin iyon sa aming source, siya ang pumasok sa site at nag-download ng sex video ng male star para maipakita sa amin.
Iyon nga kaya ang laman ng nanakaw niyang hard drive?
( Ed de Leon )