NABANGGIT na rin lang iyang kampanya. Naniniwala pa ba kayong may magagawa ang mga artistang nag-eendoso ng mga kandidato?
Kung kami ang tatanungin, palagay namin ay wala na. Tingnan ninyo, iyong mga kandidatong unang inendoso ng mga sikat na artista, at ineendoso ng pinakamaraming artista, dahil may bayad siyempre. Hindi naman sila nangunguna sa ratings. Kung pinaniniwalaan ba ang endorsement ng mga artistang bagsak ng ganoon ang ratings ng mga kandidato nila?
May mga artista pang kumandidato mismo, aba ni hindi nababanggit sa ratings ang mga pangalan nila. Iba siyempre iyong kagaya nina Richard Gomez o niVilma Santos, pero iyong iba kamote na eh.
HATAWAN – Ed de Leon