Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga artistang nagpabayad ng milyon sa mga politiko, nanganganib

MAY nagsabi sa amin, kung iyan daw mga artistang tumatanggap ng milyon-milyong pisong bayad mula sa mga politikong ikinakampanya nila ay patuloy na magsisinungaling at sasabihing hindi sila binayaran, malamang pagdating ng araw ma-trouble sila.

Sa nangyayaring controversy ngayon sa ating bansa dahil sa money laundering mula sa perang ninakaw sa Bangladesh, aba binabantayan ng awtoridad lahat ng mga banko. Paano kaya nila ipaliliwanag kung saan nanggaling ang kanilang pera lalo na iyong tumanggap ng P100-M  bayad? Kung ang mananalo ay ang mga manok nila, na mukhang napakalabo naman, baka lusot sila. Pero kung ang mananalo ay ang mga kalaban nila, which is most likely, aba maaaring tanungin sila kung saan nanggaling ang pera nila.

May batayan para sabihing iyon ay doubtful income. Una, magkano ba ang kanilang idinedeklarang talent fee sa mga show nila?

Mapagbabasehan ang dati nilang income tax. Kung hindi nila aaminin na galing iyan sa mga trapo, saan manggagaling iyan? Sa juetengan ba o sa droga?

Kaya iyang mga artistang iyan na nagmamalinis pang hindi sila tumanggap ng payola sa mga kandidatong inendoso nila, kahit na common knowledge na nga kung magkano ang tinanggap nila, at kung sino ang mga “go between” kaya nila nakuha iyon, delikado sila, lalo na nga at obvious din na walang nagawa ang popularidad nila para sa mga kandidato nilang dehado sa laban.

Itong sa amin naman ay paalala lang, kasi minsan ang mga taong ganyan, tanggap lang ng tanggap at hindi iniisip kung ano ang kanilang nasusuotang problema. Masarap lang iyan habang tinatanggap mo. Kung nagkakatanungan na, umpisa na ng hirap.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …