Sunday , November 16 2025
Running Ina Marlene Gomez Doneza TOPS

‘Running Ina’ panauhin sa TOPS Usapan

ADBOKASIYA sa kalusugan, pagbibigay inspirasyon sa kabataan at  komunidad ang sentro ng makabuluhang talakayan sa Tabloids Organization in Philippine Sports. Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’  ngayong Huwebes sa PSC Conference Room sa Malate, Manila

Buhay na patotoo na hindi hadlang ang katayuan at edad upang maging simbolo ng katatagan at maging inspirasyon ng sambayanan ang 63-anyos na si Marlene Gomez Doneza, ang tinaguriang ‘Running Ina’, na tampok na panauhin sa programa ganap na 10:30 ng umaga.

Umani ng papuri si Gomez-Doneza matapos magawa ang di pangkaraniwang tagumpay sa sports nang makumpleto niya ang 1,461-kilometro ‘Trans Luzon Endurance Run’ – mula Matnog. Sorsogon hanggang Pagudpud, Ilocos Norte —  isang social awareness campaign upang itulak ang kalusugan sa mga senior citizens.

Nagawa ito ni Gomez-Doneza sa loob lamang ng 26 na araw. Bunsod nito, ginawaran siya ng pagkilala ng Sangguniang Panglungsod ng Batangas bilang pagkilala sa kanyang tagumpay na magsisilbing gabay ng bawat Pilipino na bigyan ng halaga ang kalusugan.

Iniimbitahan ni TOPS president Nympha Miano-Ang ng pahayagang Bulgar ang mga miyembro at opisyal na makilahok sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine, Pocari Sweat at Lila Premium Healthy Coffee at livestreamed sa TOPS Usapan Facebook page, Bulgar Sports at Sports Corner. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

GAP Cynthia Carrion

Makabuluhang mga medalya para sa mga magkakampeon sa World Junior Gymfest – Carrion

ANG mga medalya na iginagawad sa mga nagwawagi sa mga pandaigdigang paligsahan sa palakasan ay …

PSC BSC MSU

Marawi, Umuusbong Bilang Lupain ng Pangako para sa mga Talento sa Palakasan

LUNGSOD NG MARAWI — Sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC), Bangsamoro Sports Commission (BSC), …

DSAS

DSAS balik sa Megatrade Hall ng SM Megamall

DAMHIN ang pangunahing palabas ng mga baril, kaligtasan, at responsableng pagmamay-ari sa bansa sa Nobyembre …

bagyo

Live shows, basketball games, out of town kanselado kahapon 

I-FLEXni Jun Nardo KANSELADO ang ilang live shows at out of town appearances ng ilang …

Carlos Yulo GAP Gymnastics

World Junior Meet malaking ambag sa pagpapaunlad ng Gymnastics sa Pilipinas

ANG pagsasagawa ng ika-3 FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships sa bansa ay inaasahang magdudulot …