Sunday , November 16 2025
ABCVIP naghatid ng tulong sa mga biktima ng lindol sa Bogo City, Cebu

ABCVIP naghatid ng tulong sa mga biktima ng lindol sa Bogo City, Cebu

MABILIS na tumugon ang ABCVIP sapanahong maraming pamilya ang nawalan ng tahanan at kabuhayan dahil sa lindol na yumanig sa Northern Cebu Agad silang naghatid ng tulong at pag-asa sa mga apektadong residente ng Bogo City.

Noong October 6 at 7, 2025, ang ABCVIP team ay lumipad mula Manila patungong Cebu para personal na mamahagi ng tulong sa mga nasalanta. Sa loob ng dalawang araw na operasyon, nakapag-abot sila ng groceries, inuming tubig, at mga pangunahing pangangailangan sa mahigit 2,500 pamilya at indibidwal na matinding naapektuhan ng trahedya.

Ang repacking ng relief goods ay ginanap sa Fortuna Hotel, sa tulong ng may-ari nitong si Ms. Carmel Sy, na buong pusong tinanggap at ipinagamit ang kanyang pasilidad para sa mga volunteer. Naging tulay si Ms. Mary Jane Pernitas, isang host at motivational speaker, sa pakikipag-ugnayan sa hotel at sa mga teacher at superintendents ng SDO DepEd Bogo, na nagbigay ng kanilang oras at lakas upang tumulong sa repacking at paghahanda ng mga grocery pack.

Lubos na nagpapasalamat ang ABCVIP kay Mayor Niel Martinez at sa Local Government Unit ng Bogo City sa kanilang gabay at suporta upang maisagawa ng maayos at ligtas ang operasyon.

Kasama sa mga lugar na kanilang binisita at pinagkalooban ng tulong ang: Barangay Cogon — Kap. Allain Ree Florida Torion (Purok 4, 5, at 7; Barangay Gairan — Kap. Nelia Lepon; Barangay Siocon — Kap. Emman Jagdon, kasama sina Konsehal Malou Roma at Konsehal Cecille.

Malaking tulong din ang ibinahagi nina Ms. Evangeline Damayo, ang S-Black Boys, at ang Kabataan ng Cebu Volunteers, na tumulong maihatid ang tulong sa mga liblib at mahirap marating na komunidad.

Ang layunin ng ABCVIP ay higit pa sa entertainment. Gusto naming iparamdam na sa bawat saya at laro, may kasamang responsibilidad at puso para sa kapwa. Ang pagtulong sa mga nasalanta ay isa sa mga paraan naming maibalik ang biyayang natatanggap namin,” pahayag ng kinatawan ng ABCVIP.

Kahit natulungan na ang libo-libong pamilya, marami pa rin sa mga residente ang natutulog sa labas ng kanilang mga bahay dahil sa takot sa aftershocks at trauma mula sa lindol. Kailangan pa rin nila ng trapal (plastic sheets o pansamantalang silungan) para proteksiyon laban sa ulan at lamig.

Kung gusto ninyong tumulong, bukas ang mga barangay na ito sa inyong mga donasyon. Malaking bagay kahit maliit na tulong — bawat kabutihan ay may dalang pag-asa,” dagdag ng kinatawan ng ABCVIP.

Sa proyektong ito, ipinakita ng ABCVIP na ang tunay na diwa ng pagkapanalo ay hindi lang nasusukat sa laro, kundi sa kabutihang naibabahagi sa mga nangangailangan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

AFAM Wives Club

AFAM Wives Club reality series ukol sa pag-ibig at makabagong Filipina

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKAIINTRIGA ang bagong handog ng iWant, katuwang ang Project 8 Projects, ang bagong reality …

Richard Gutierrez Ivana Alawi

Richard walang arte kahit dugyot ang hitsura; saludo kay Ivana

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PINUPURI ng karamihan ang pagiging propesyonal ni Richard Gutierrez pagdating sa tabaho. Mula …

DOST 3 BulSu Bulacan

DOST Launches Regional STI Fair: Showcases Innovations with Tangible Community Impact

Empowering communities through science and innovation, the Department of Science and Technology (DOST) launched the …

DOST 3 iHUB SARAI CeNTRo AMCen

Central Luzon Enters New Phase of Innovation with Launch of DOST Hubs

The Department of Science and Technology (DOST) formally launched three major facilities that are expected …

DOST bauertek

BauerTek: Central Luzon’s Innovation Champion Heads to Nationals!

MALOLOS CITY, BULACAN – BauerTek Farmaceutical Technologies has clinched the Regional Winner title for Central …