Wednesday , July 16 2025
Albert Jose Amaro II Sophia Rose Garra Swim
SI Albert Jose Amaro 11 na nagwagi ng ginto kasama sina PAI Sec-Gen Eric Buhain at coach isagani Cruz at Sophia Rose Garra nanalo ng pilak sa kani-kanilang age-group classes sa finale ng 47th Southeast Asia Age-Group Swimming Championships sa Singapore Sports Hub.

Amaro nanalo ng gold; Garra silver sa 4th SEA Age championship

NAGHATID sina Albert Jose Amaro II at Sophia Rose Garra ng podium finish para sa lean 10-man Philippine swimming team sa kani-kanilang age-group classes sa pagsasara ng 47th Southeast Asia Age-Group Swimming Championships sa Singapore Sports Hub.

Parehong Palarong Pambansa standouts at record-breakers, si Amaro ay umangkin ng tatlong medalya, kabilang ang nag-iisang ginto ng bansa, habang si Garra ay umangkin ng isang pilak, isang tanso, at dalawang 4th placers sa tatlong araw na kompetisyon na nagtatampok sa pinakamagaling at pinakamatikas na junior athletes sa tehiyon at sanction ng World Aquatics.

Ang 17-taong-gulang na si Amaro, isang NCAA multi-medalist mula sa San Beda College, ay nagtala ng 25.15 segundo sa boys 16-18 50-meter butterfly, na tinalo ang Indonesian na si Jason Donovan Yusuf  (25.16). Inangkin ni Tedd Windsor Chan ng Singapore ang bronze sa 25.23.

Si Amaro, na nakakuha ng record na pitong gintong medalya sa Palaro noong nakaraang taon sa Cebu City, ay kinapos sa kanyang back-to-back gold medal campaign nang maka silver finish sa 100-m freestyle (53.71) sa likod ng nagwagi na si Lidie ng Malaysia (52.64).

Sa pagbubukas ng torneo, nasungkit ni Amaro ang bronze medal sa 100-m butterfly, na nagtala ng 55.72 segundo sa likod ng mga nanalo na sina Li Jie Goh ng Malaysia (55.64) at Wongsakorn Patsamaran ng Thailand (55.71). Ang kanyang mga kasamahan sa koponan na sina Fil-German Alecander Eichler at 2024 Asian Age-Group gold medal winner na si Jamesray Ajido ay tumapos sa ika-4 (55.82) at ika-5 (55.98), ayon sa pagkakasunod.

Nakuha ni Garra, protegee ni Olympian Jenny Guerrero sa WaveRunners Swim Club, ang pilak na medalya sa girls 13-under 200-m backstroke sa oras na 2:24.33, sa likod ni Thai Oravee Intaporn-Udom (2:20.33). Si Haw Yek Wo ng Singapore ay pumangatlo sa 2:24.68.

Nakuha ng 14-year-old mula sa Malabon City ang bronze sa opening day, nagtapos na ikatlo sa girls 13-under 200-m Individual Medley sa oras na 2:31.37 sa likod ni Ovavee ng Thailand (2:26.03) at Pimchanok (2:27.50).

Hindi nakuha ni Garra ang podium sa 100-m backstroke (1:06.86) at 50-m back (31.25).

Ang iba pang miyembro ng koponan na sina Fil-American Riannah Coleman ay nagtapos ( 4th Place, 200m Breaststroke at 6th Place, 100m Breaststroke), Ryan Zach Belen ( 5th Place, 50m Backstroke); Patricia Mae Santor ( 4th Place, 200m Butterfly), at Kyla Bulaga, (6th Place, 200m Butterfly).

“Kudos to our young Philippine team for delivering another honor to our country from a tough international swimming campaign. Sa ating mga batang manlalangoy, ang aking walang katapusang pagbati”  sabi ni Philippine Aquatics, Inc. (PAI) Secretary General at pinuno ng delegasyon, Cong. Eric Buhain.

Nagpahayag din ng taos-pusong pasasalamat ang Olympian at Philippine Sports Hall-of-Famer sa MVP Foundation, SMART Communication, Speedo at Philippine Sports Commission. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Eric Singson Tats Suzara ANV PNVF

Candon, PNVF, pinapahalagahan ang ‘volleyball tourism’

DAHIL sa tagumpay ng kasalukuyang 2025 Southeast Asian Volleyball League, hindi na nag-aksaya ng oras …

PSC PSTC

IRR para sa Philippine Sports Training Center Act, inaprubahan ng Lupon ng PSC

INAPRUBAHAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Philippine Sports …

AFAD mangunguna sa Defense & Sporting Arms Show sa July 23-27

AFAD mangunguna sa Defense & Sporting Arms Show sa July 23-27

MULING ILALARGA ng Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines, Inc. (AFAD) ang …

Patrick Pato Gregorio Bambol Tolentino

PSC Chairman Gregorio: “Napaligaya namin ang 2000 atleta at coach ngayong araw”

INILAHAD ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick ‘Pato’ Gregorio ang kanyang roadmap para sa …

PSA Reli De Leon MMTCI

MMTCI magsasagawa ng tatlong bahagi ng karera sa Malvar, Batangas

ANG Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ay magsasagawa ng tatlong bahagi ng Prince Cup …