MULI na namang ile-level-up ng Rampa Drag Club ang landscape ng LGBTQ+ nightlife ng bansa sa opisyal na paglipat nito sa mas malaki at mas bonggang location sa gitna ng Tomas Morato, Quezon City.
Mula nang mag-grand opening ito noong unang quarter ng 2024, walang tigil ang Rampa sa commitment nito na bigyan ang community ng isang safe at open space para sa self-expression.
Sa pagsasanib-puwersa ng mga Philippine LGBTQ+ icons at allies gaya nina RS Francisco, Cecille Bravo, Ice Seguerra, Boy Abunda, at ang Divine Divas na sina Precious Paula Nicole, Brigiding, at Vinas Deluxe, walang puknat ang Rampa sa pagbibigay ng sunod-sunod na parties na ang mensahe ay ang pagkakaisa at selebrasyon ng creative freedom na ang pabolosang mundo ng drag ang nagbubuklod sa over-the-top fun ng venue.
Ngayon, with much hard work and dedication, kilala na ang Rampa bilang tahanan ng mga bagong sibol na drag artists na kilala bilang Rampa Reynas, kasama ang kanilang homegrown dancers, ang Rampa Movers. Ang nakai-inspire na talento ng artists ng Rampa ay umani ng papuri ‘di lamang ng komunidad at ng Philippine press ngunit pati na rin ng international news organizations gaya ng The New York Times pati ng mga international celebrities gaya ni Lady Gaga na napansin ang performance ni Precious Paula Nicole sa kanyang smash hit dance single na Abracadabra.
At tuloy-tuloy ang party sa grand reopening ng Rampa ngayong Mayo 24, na inaabangan na dahil ito na marahil ang pinaka-mainit na LGBTQ+ party sa Manila ngayong Mayo!
Pinamagatang Moulin Rouge: The Musicale, tampok sa event sina Popstar Bench, Khianna, Angel,at Zymba Ding kasama ang mga Rampa Reynas na sina Katana, Kiari, Khiendra, Kieffy Nicole, Neenja, Asha Sole, Eliza, Abigail, Mz. Chronicles, Budalyn, Tiffany, at Eyyygatha, kasama ang Rampa Movers at may special guest appearances pa ng Divine Divas at iba pang surprise guests.
Magsisimula ang party sa red carpet nito ng 11:00 p.m. at susundan ng pre-show papunta sa main show hanggang sa second set nito na Coachella 2025, at ang after party.
“We are so grateful for the overwhelming support from the community and our allies,” sabi ni RS Francisco. “Rampa is the fulfilment of our vision to create a space that will allow creative expression and freedom to be one’s self. The art of drag has entered the mainstream – nasa TV, pelikula, at live stage na ang mga drag artists. Hopeful po akong makita kung saan patungo ang community. And one thing is for sure, the parties in Rampa will definitely continue.”
Sa mala-higante nitong 630 sqm floor area, mas malaki at mas komportable na ang Rampa para sa lumalaking demand ng LGBTQ+ para sa quality leisure venues – kaya naman secured ang posisyon nito bilang isang lider sa Manila queer nightlife.
Para sa inquiries at reservations kontakin ang +639178820623. Para naman sa karagdagang impormasyon at exciting updates, sundan ang @rampaclub sa Instagram at @rampaclub sa TikTok; at sundan at i-like ang Rampa Club sa Facebook.
Ang bagong Rampa Drag Club ay matatagpuan sa 27-B Tomas Morato Avenue Extension, Barangay South Triangle, Diliman, Quezon City.