MULING magpapasiklab ang Universal Reality Combat Championship (URCC) mixed martial arts sa Kabikulan ngayong katapusan ng buwan.
Dahil ang mga Villafuerte political powerful clan sa Camsur ay nagsipagwagi muli nitong nakaraang midterm election ay mistulang victory party treat ang ilalargang classic fight night na binansagang Kaogma Collision 2 sa Linggo, 25 Mayo sa Fuerte Sports Complex, Capitol Grounds, Cadlan, Pili, Camarines Sur.
Sa press conference na ginanap kahapon sa DEFTAC Gym, Sucat, Parañaque, iprenisinta ang dalawang protagonista na sina Rene Catalan, Jr., kontra Eros Baluyot bilang main event ng 10 fight-card tampok ang dayuhang kalaban mula South Korea at mga dating Russian Republics powerhouse sa larangan ng mixed martial arts.
Ang mga Villafuertes ay kilalang martial arts enthusiasts ayon kay URCC founder/president Alvin Aguilar kung kaya sa ikalawang pagkakataon ay naimbitahan ang URCC na magpakitang gilas sa Camsur.
“Noong unang edisyon ng URCC sa CamSur ay talaga namang dinagsa ang Fuerte Coliseum ng lokal na fight fans kaya maaasahan ng mga Bicolano na makasasaksi silang muli ng world class na kompetisyon sa ruweda.
Matutunghayan din na kayang labanan nang sabayan o daigin ng Pinoy fighters ang mga dayuhang MMAers kaya sigaw ng encuentro kibitzers…
“Bakbakan na!” pahayag ni Aguilar na todo pasasalamat sa mga kaibigan niyang Villafuertes na nagbigay ng oportunidad sa mga promising fighters upnang mapasabak sa high level competition ng URCC.
Ilalabas ni URCC head matchmaker at event officer Aaron Catunao ang bubuuing fight card na nakasalalay ang prestige, puntos at ranggo ng local warriors kontra dayuhan.
Inaasahan ang eksplosibong banggaan nina Catalan, Jr., at mapanganib na si Eros Baluyot na magtutunggali sa unang pagkakataon. (HNT)