Wednesday , December 4 2024
Richard Bachmann PSC Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron
KASAMA ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron ( may mikropono) sa ginanap na pulong balitaan ng 16th Batang Pinoy National Championships sa city hall noong Sabado (23 Nobyembre 2024), kasama Philippine Sports Commission Chair Richard Bachmann.

Batang Pinoy National Championships nagsimula na

PUERTO PRINCESA CITY – Nagsimula na ang 16th Batang Pinoy National Championships kahapon, Linggo sa Ramon V. Mitra, Jr., Sports Complex.

Mahigit 11,000 atleta ang kalahok sa kompetisyon na may tatlong kategorya ng edad: 12-13 taon, 14-15 taon, at 16-17 taon.

“Malaking bagay para sa Puerto Princesa na muling maging host ng Batang Pinoy at nais kong pasalamatan ang lahat ng nagsikap, lalo ang mga guro at mga punong-guro, upang matiyak na ang mga delegado mula sa buong bansa ay magiging komportable at malugod na tinanggap dito,” ani Puerto Princesa Mayor Lucilo Bayron sa isang press conference noong Sabado sa city hall.

Matagumpay na naging host ang Puerto Princesa sa Batang Pinoy noong 2002 at 2019.

“Nagpapasalamat kami sa lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa dahil ang aming pakikipagtulungan sa kanila ay naging maayos. Sino ba ang hindi nais na makipagtulungan muli sa kanila?” pahayag ni Philippine Sports Commission chair Richard Bachmann.

Dumalo rin sa media briefing sina City Sports Head Rocky Austria at Project Director Paolo Tatad.

Bago matapos ang Batang Pinoy, magiging host din ang lungsod ng 11th Brunei Darussalam–Indonesia–Malaysia–Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) Friendship Games sa 1-5 Disyembre. (HATAW Sports)

About Henry Vargas

Check Also

Philip Adrian Sahagun Lora Micah Amoguis Swimming 2024 BIMP-EAGA Games

2024 BIMP-EAGA Games
Philippine team A humakot agad ng anim na ginto sa unang araw

PUERTO PRINCESA CITY – Humakot kaagad ng anim na gintong medalya and Team Philippines-A sa …

Richard Bachmann PSC BIMP-EAGA friendship games

Sports para sa pagkakaisa

SA KABILA ng maulang panahon, nagbigay ng makulay at masayang kapaligiran ang parada ng mga …

Batang Pinoy

Sa overall lead
Pasig City nanguna sa Batang Pinoy National Championships

CITY OF PUERTO PRINCESA – Humakot ng 35 gintong medalya ang Pasig City at naguna …

Chito Danilo Garma Chess 32nd FIDE World Senior Chess Championship

IM Garma, patuloy sa paglaban, nanatiling umaasa

Porto Santo Island, Portugal — Si Pinoy International Master (IM) Chito Danilo Garma ay nakapagtala …

ArenaPlus PBA FEAT

ArenaPlus co-presents PBA Esports Bakbakan Season 2

ArenaPlus, your 24/7 sports entertainment platform in the country, co-presents another season of the Philippine …