Wednesday , November 12 2025
ABS-CBN

ABS-CBN anumang gawin talo pa rin dahil sa kawalan ng prangkisa

HATAWAN
ni Ed de Leon

TAMA ang sinabi ni Suzette Doctolero na nakalulungkot din ang pagkawala ng trabaho ng mahigit na 100 pang empleado ng nasarang ABS-CBN

Kasamahan pa rin natin sila sa industriya,” sabi ni Doctolero. At ang lalong malungkot, tiyak na may magtatakbuhan sa Kamuning at kung mangyayari iyon mababawasan na naman ang trabaho nila.

Inihayag naman ng Presidente ng ABS-CBN na si Leo Katigbak, na bagama’t hindi  nila gustong magbawas ng mga tauhan, kailangan nilang gawin iyon dahil ang ABS-CBN kahit na sinasabi nilang mataas ang ratings ng kanilang mga programang ipinalalabas sa ibang channels ay nalugi ng P2.02-B para sa taong ito lamang. 

Ibig sabihin, mataas man ang ratings nila, mahina pa rin ang benta nila kaya lumalabas na lugi sila. Isang magandang halimbawa na nga lang ang kanilang noontime show, iyong It’s Showtime, na sinasabi nilang may pinakamataas na ratings ngayon sa noon time slot. Mas marami silang mga artistang hosts, bukod sa hosts iyon pang mga chuwariwariwap. Nagbabayad pa sila ng blocktime sa apat na television channels bukod pa sa kanilang cable channels. Kaya maliwanag na ang gastos sa show ay ilang doble ng sa kanilang kalaban. Sinasabing panalo sila sa ratings pero talo pa rin.

Kaya tama lang naman sigurong magbawas sila ng binabayarang blocktime kung ayaw nilang malugi, pero kung magbabawas sila ng estasyon, matatalo sila ulit sa ratings. Ano nga ba ang gagawin nila?                      

Masakit isipin pero kailangang tanggapin na talo talaga sila dahil wala silang prangkisa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Formula 5

First anniversary concert ng Formula 5, special at patok

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING espesyal ang ginanap na first anniversary concert ng  Formula …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth at Francine wala pa ring level ang relasyon

HARD TALKni Pilar Mateo ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista …

Viva Movie Box

Viva Movie Box patutunayan ang tagline na Mahirap Bumitaw

MATABILni John Fontanilla SA celebration ng 44th anniversary ng Viva Entertainment sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario at …

Nadine Lustre 23 bday business

Nadine kaseksihan nag-uumapaw   

MATABILni John Fontanilla OOZING with sexiness ang ibinahaging mga larawan ni Nadine Lustre sa kanyang  32nd birthday. Ang …