Monday , July 14 2025
Vilma Santos

Ate Vi hanggang Batangas lang, ayaw ng mas mataas na posisyon

HATAWAN
ni Ed de Leon

TALAGA nga bang nakaporma na si Vilma Santos para muling tumakbo sa Batangas?Iyon ang paniwala ng mga taga-Batangas, kaya nga hindi na nagmamadali si Ate Vi na gumawa ng pelikula sa ngayon. Kasi kailangan nga siyang mag-ikot sa Batangas para sa eleksiyon at kung sakali man at gumawa siya ng pelikula, hindi rin maipalalabas iyon dahil aabutin na ng media ban ng eleksiyon.

Ang sinasabi pa nila ang karaniwan daw hinihingi ni Ate Vi for confirmation na dapat siyang tumakbo ay “something white.” Sabi nila dumating na iyon nang may biglang nagbigay kay Ryan, bunsong anak nila ni Sec Ralph Recto, ng isang rosaryong puti at sinabing ipinagdarasal niya ang buong pamilya nila. Ni hindi nga nakilala ni Ryan ang nagbigay sa kanya na tinawag na lang niyang “tatay.” Maski naman si Ate Vi, ini-repost ang post ni Ryan at nagpasalamat din kay “tatay” na nagbigay ng rosaryong puti at nagdarasal para sa kanilang lahat. Sabi nga nila mukhang iyon din daw ang sign na hinihintay ni ate Vi kaya sigurado na sila ngayon. Gayunman, hindi pa rin sila nakasisiguro kay Ate Vi. Kasi nga binawalan siya ng doktor na bawal magpagod. Eh kung hindi niya talaga makakaya iyang sagsagang kampanya, hindi rin tutuloy iyan. Kung sa bagay, sinasabi nga nila na hindi na niya kailangang magkampanya para sa sarili niya, pero kailangan niyang magkampanya para sa buong partido. Kahit naman noong araw ganoon si Ate Vi, nagkakapampanya siya hindi na para sa sarili niya, dahil sinabi nga niyang naipakita na niya sa mga taga-Batangas kung ano ang kaya niyang gawin. Nagkakampanya na lang siya para sa ibang kandidato ng partido nila.

Ang totoo may nagparamdam na naman nga kay Ate Vi, na nagsasabing tumakbo man siya ngayon o hindi, pagdating ng 2028 ay kukumbinsihin siyang tumakbong vice president ng bansa.

Iyon ang malabo na, ayoko kasi ng masyadong malaking responsibilidad. Iyon kasi kung may mga bagay na hindi mapupuntahan ng presidente, dapat nakahanda kang magpunta. Isa pa mahirap mag-intindi ng buong bansa. Noon pa nila ako inaalok ng ganyan pero noon pa sinabi kong siguro sa Batangas na lang ako kasi alam ko kaya ko ang trabaho. Baka kumuha ako ng ganyang responsibilidad tapos hindi ko makayanan nakahihiya naman. Dito na lang ako sa alam kong kaya ko, at saka ang dami ko ring responsibilidad. May pamilya ako, may mga anak akong kailangan ko pa ring intindihin kahit pa malalaki na sila, at ngayon may apo pa akong kailangang tingnan. Aba hindi madali iyon. Hindi maaaring kung saan-saan ako pupunta tapos hindi ko makikita si Peanut,” sabi ni Ate Vi.

Ang isa pang sinasabi niya, sa Batangas ang mga makakasama niya sa trabaho kung sakali ay mga kilala na niya. Rito kilala ko ang lahat ng mga barangay captain, madali ko silang tawagan at sila rin naman kung may problema nakatatawag sila sa akin kahit na anong oras. Mas gamay ko na ang trabaho basta  Batangas. Isa pa ang mangyayari niyan kung sakali ay sa Lipa na ulit ako magbe-base, na ok lang naman dahil may bahay naman kami sa Lipa, at mas gusto ko nga roon dahil sariwa ang hangin at matahimik talaga. 

“Nakakapagtrabaho ako ng mas maayos doon. Hindi gaya rito sa Manila ang daming istorbo,” sabi pa ni Ate Vi. Naglagi lang naman siya ulit dito sa NCR noong maging congresswoman na siya dahil ang session nila ay sa Batasan sa Quezon City, doon din siya nag-oopisina. Noong sa Batangas siya, naroon lang siya sa kapitolyo o nasa bahay nila sa Lipa na mas tahimik nga.

Kaya medyo nakaporma na nga si Ate Vi na tumakbong muli, pero kung sakali sabi niya sa Batangas lang, hindi siya tatanggap ng anumang mas mataas pang posisyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Buraot Kween Darwin Ferrolino‎ Variahealth

Buraot Kween may dyowang Afam 

MATABILni John Fontanilla BONGGA si Buraot Kween dahil balitang may dyowa itong Afam na in love na …

Nadine Lustre

Nadine muling binulabog social media

MATABILni John Fontanilla TRENDING sa social media (Instagram) ang ipinost na video ni Nadine Lustre na suot …

Cecille Bravo Pamana Awards USA 2025

Cecille Bravo Pamana  World Class Achiever

MATABILni John Fontanilla MULING tumanggap ng panibagong parangal ang matagumpay na negosyante-Philanthropist, Ms Cecille Bravo sa katatapos …

SB19 Aruma

Kanta ng SB 19 at ni Aruma number 1 sa iTunes ng Qatar, US Arab Emmirates, at Philippines

MATABILni John Fontanilla PASOK sa 11 bansa sa  iTunes chart ang kantang Mapa, na may Indonesian version ang SB19 na …

Sparks Camp

10 lalaki sa Sparks Camp maghahasik ng kilig

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGHAHASIK muli ng kilig ang 10 lalaking kalahok sa Sparks Camp, unang queer …