Wednesday , September 11 2024
JInggoy Estrada

Jinggoy nagalit sa ‘di pagsipot ng 2 GMA independent contractors 

HATAWAN
ni Ed de Leon

GALIT na pinunit ni Senador Jinggoy Estrada ang sulat ng dalawang suspect sa kaso ni Sandro Muhlach matapos niyang basahin ang nilalaman niyon na nagsasabing hindi sila sisipot sa pagdinig ng senado dahil hindi naman sila empleado ng GMA, at may isinampa nang kaso laban sa kanila si Sandro. 

Sinabi nilang magpapahayag lamang sila sa proper forum, ibig sabihin ay sa korte dahil ang anumang maaari nilang masabi under oath ay magagamit laban sa kanila later on sa korte. Iyon ang nauna na ring ipinahayag ng kanilang abogadong si Magie Abraham Garduque, maliwanag na ang dalawa ay sumunod lamang sa kagustuhan ng kanilang abogado. Gayunman para kay Sen JInggoy ang ganoong salita ay parang nagsasabing walang kuwenta ang senado kaya siya nagalit. Kasabay niyon naglatag siya ng mosyon para ang dalawa ay padalan ng subpoena. Ang una kasing ipinadala sa kanila ay imbitasyon lang para sa hearing ng senado, ang subpoena ay hindi imbitasyon kundi utos na kailangan silang humarap doon. Ang mosyon ay agad namang pinangalawahan ni Senador Bong Revilla. Si Bong ay may sitcom din sa GMA 7 at kasama niya sa sitcom na iyon ang isa sa mga suspect si Jojo Nones.

Kung ang dalawa ay hindi susunod sa subpoena ng senado, maaaring magpalabas ang senado ng warrant para sila ay arestuhin at kung tatanggi pa rin silang magsalita, maaari silang idetine sa Senado o sa Pasay City Jail. Pero maaari silang magpa-detain para huwag silang mapilit na magsalita. Maaari naman silang magpetisyon ng bail sa korte kung sakali’t magsimula na ang pagdinig sa kaso.

Pero ang usapan nga ok kung sa senado sila made-detain paano kung ipalipat sila sa Pasay City Jail? Mukhang mga may edad na pero makinis pa naman ang dalawa at kung malalaman doon na ang kaso nila ay panghahalay kay Sandro naku ewan lang.

Kung kami ang tatanungin, talagang ang ginagawa ng defense lawyers ay mai-delay hanggang maaari ang isang kaso at hanggang maaari rin huwag paharapin ang mga kliyente niya sa anumang klase ng imbestigasyon dahil kung magkamali iyon ng sagot, mas magiging mahirap ang trabaho niyang mailusot ang kliyente sa kaso. Pero kung kami ang tatanungin ok lang na humarap sila sa senado tutal maaari naman silang mag-object o huwag sagutin ang mga tanong na iniisip nilang makasasama sa kanila kung sasagutin. 

Mas mabuti na iyon kaysa ma-subpoena pa sila ulit, mapadalhan ng warrant pagkatapos ng ikatlong subpoena, ma-detain sa basement ng aenado at lalong masama kung ipadala pa sila sa Pasay City Jail. O kaya magtatago sila na kagaya ni Apollo Quiboloy. Pero si Quiboloy maraming pagtataguan doon sa kingdom niya mahirap na siyang hagilapin eh, kung mamundok pa iyon. Kung sa bagay iba naman si Quiboloy kasi siya ang “Owner of the Universe” hindi kaya iyon ng dalawang suspects sa panghahalay kay Sandro.

Kung magmamatigas pa silang dalawa, maaaring madamay na ang GMA dahil maaaring utusan ang GMA na palitawin sila bilang mga independent contractors dahil ang kanilang aksiyon ay pananaguatn din ng GMA kahit na ikinatuwiran na ni Annette Valdez Gozon na umano ang panghahalay ay hindi naganap sa bakuran ng GMA o sa kanilang event. Maliwanag kasing nangyari iyon pagkatapos na ng event nila at hindi rin sa actual venue ng event. Kundi sa kuwarto ng dalawang suspect sa pareho ring hotel.

Gayunman kung magkaka-ipitan maaari ring maipit ang GMA para mapalitaw ang dalawa. At sa ilalim ng code of conduct na nakasaad naman daw sa kontrata ng dalawa sa GMA, maaari nga nilang utusan ang dalawa na lumitaw sa pagdinig ng senado.

Maaaring legally ang hindi nila pagsagot sa mga imbestigasyon ay may legal advantage, pero morally iyang pag-iwas sa mga tanong ay parang admission of guilt na rin. Isa pa ano nga ba ang maaaring maging motibo ni Sandro sa pagsasabing siya ay na-rape kung hindi naman nangyari eh iyan ay isang kahihiyan ding dadalahin niya habambuhay lalo’t  lumabas na nga sa publiko?

Hindi natin alam kung ano ang mangyayaring kasunod. Hindi natin alam kung ano ang magiging susunod na hakbang ni Garduque para mailigtas sa pagtatanong ang kanyang mga kliyente. Pero matindi na iyan oras na maglabas ng subpoena ang senado.

Mahihirapan na rin silang makahanap ng trabaho dahil sino ba ang makikipagtrabaho eh napagbintangan  na silang rapist ng lalaki pa.

About Ed de Leon

Check Also

Apollo Quiboloy Alice Guo

Alice Guo, Pastor Quiboloy gawin kayang pelikula ang biopic?

HATAWANni Ed de Leon MAY mangangahas kayang gumawa ng pelikula tungkol sa naging pagtakas at …

Dear Satan MTRCB

Dear Satan produ pwede pa umapela sa MTRCB

HATAWANni Ed de Leon SIGURO nga malungkot ang mga producer ng pelikulang Dear Satan dahil sa ikalawang …

Mariah Carey

Mariah Carey binati ang mga Pinoy ng Maligayang Pasko

HATAWANni Ed de Leon NAKATUTUWA naman ang singer na si Mariah Carey na nagpaabot ng maagang pagbati …

Anne Curtis Erwan Heusaff

Anne at Erwan enjoy sa bakasyon sa SG, ‘di totoong hiwalay 

HATAWANni Ed de Leon HABANG panay ang tsismis ng mga marites at pagkakalat ng fake …

Athena Red

Athena Red, palaban sa GL na pelikula at role na kabit

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG VIVAMAX sexy actress na si Athena Red ang klase ng hot …