Wednesday , November 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Romnick Sarmenta

Romnick nasasayang ang talento

HATAWAN
ni Ed de Leon

BAGAMAT pinuri nga ng mga kritiko. Hindi naman kumita ang huling pelikula ni Romnick Sarmenta na isinama sa Summer MMFF. Kagaya lang din naman iyon ng iba pang mga pelikulang kasali roon. Ang lahat kasi ng kasali ay branded na mga pelikulang indie, kaya nga halos lahat yata hindi kumita.

Bakit kami nanghihinayang kay Romnick? Bakit naman hindi eh kinikilalang box office star ‘yang batang iyan. Lahat ng mga pelikula nila noon ni Sheryl Cruz ay malalaking hits.Tapos nasira nga ang kanilang love team, nag-abroad pa si Sheryl at hindi na sila

nakabawi. Pero naniniwala kaming kung mabibigyan lamang ng tamang project iyang si Romnick maaari pa siyang makabawi sa kanyang career.

Nong bata pa siya, ang lakas ng following niya bilang ang batang si Peping sa seryeng Gulong ng Palad at magmula nga noon tumaas na ang kanyang career. Naging mahusay naman siyang aktor kahit na noong nasa edad na siya, iyon nga lang nawala ang kanyang love team at ang kompanya naman ng pelikulang nasamahan niya ay nag-shift sa mga  sexy movie kaya napalitan sila ng mga bold star.

Pero iyang si Romnick, kaunting push lang ang kailangan niyan, after all wala tayong leading man na nasa kapareho niyang age level.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Jillian Ward Andrea Brillantes

Andrea at Jillian pinagtatapat, kapwa maalindog

I-FLEXni Jun Nardo SARAP pagsabungin nina Jillian Ward at Andrea Brillantes, huh! Kapwa kasi maalindog at malaman. Nitong …

Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kiray hihinto muna sa pag-aartista, tutukan nalalapit na kasal at negosyo

MATABILni John Fontanilla PANSAMANTALANG hihinto muna sa pag-aartista si Kiray Celis para mag-focus sa kanyang negosyo, ang …

Nadine Lustre Sierra Madre

Nadine trending sa mala-Sierra Madre photo shoot

MATABILni John Fontanilla VIRAL ngayon sa social media ang mga litrato ni Nadine Lustre na inihahalintulad ito …

Miguel Tanfelix FIberBlaze internet

Miguel nahihilig sa solo backpacker

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOLO backpacker ang peg ni Miguel Tanfelix ngayong ini-enjoy niya ang pag-aabroad. “Mas …

Angeline Quinto Ang Happy Homes ni Diane Hilario

Angeline pinasok pagpo-produce ng pelikula

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UY producer na rin ngayon si Angeline Quinto. Sa pagdiriwang ng kanyang …