Friday , September 20 2024
Rey Valera Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko

Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko a must see movie

HATAWAN
ni Ed de Leon

SIMULA noong nakaraang taon, tatlong sunod-sunod na film bio na lahat ay ginawa ni director Joven Tan ang napanood namin. Una ay ang film bio ng healing priest na si Fernando Suarez. Ikalawa ay ang film bio ng mayor ng Maynila, si Yorme Isko. Itong huli na napanood namin noong Sabado ng gabi ay film bio ng composer at singer na si Rey Valera, na pinamagatan niyang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko. Hindi naman dahil sa maputi na ang buhok ni Rey kundi dahil sa kanyang pangako na patuloy siyang lilikha ng musika hanggang sa maputi na ang buhok niya.

Sa tatlong film bio na kanyang ginawa, sasabihin na naming pinakagusto namin iyong film bio ni Rey, hindi naman siguro dahil sa ang kanyang musika ay kasabay ng aming panahon, subali’t ang iba roon ay mga kantang alam namin talaga, for whatever reason.

Habang pinanonood namin ang pelikula, “tipong Marites nga” ang mga kuwento ni Valera dahil sinasabi niya kung paano niya nalikha ang mga awitin, batay sa buhay niya at sa mga nakikitang buhay ng ibang tao. Tapos kakantahin niya ang awit na kanyang nilikha. Sabi nga namin, ganoon din ang kombinasyon dahil ang director na si Joven ay minsang naging editor ng mga movie magazine, kaya sanay din sa tsismis, at isang composer din kaya niya napagtagni-tagni ang mga kanta at nabuo ang istoryang pampelikula. Hindi mo na nga masabi na kung iyon ang buhay ni Valera na naisulat niya sa kanta, o ang kanta ang naging batayan ng pag-ikot ng kanyang buhay.

Hindi mo kasi masasabi kung saan hinuhugot ng isang artist ang inspirasyon para sa kanyang mga obra. Minsan talaga batay iyon sa kuwento ng kanyang buhay, at minsan naman ang kanyang buhay ay sumusunod lamang sa inspirasyong nakukuha niya sa kanyang mga obra.

Depende sa oras na panoorin ninyo ang pelikula, kayo na ang magsabi kung ano nga ba ang ano.

Pero sabi nga namin, sa mga kagaya naming nabuhay ng dekada ‘70 hanggang dekada 80, ang pelikula dahil sa mga musikang nakapaloob doon ay isang “must see movie.” Hindi lang si Valera kung maski ang mga nanonood ay matatangay niya sa nakaraang panahon ng ating mga buhay. Dahil totoo naman ang sinasabi niya, na ang kanyang mga obra ay maaaring nagkaroon ng kaugnayan, hindi man sinasadya sa ating buhay kaya nga naging hit ang mga iyon.

It also takes one composer, o isang nakaiintindi ng paggawa ng himig ng musika para magkaroon ng inspirasyon sa mga ganoong bagay at makalikha ng kuwento. Kaya nga suwerte rin nagkasabay sina Tan at Valera.

Wala siyang sinasabi pero si Joven  sa aming palagay ay matagal na ring nakasubaybay sa mga likhang awitin ni Valera. Bago kasi siya naging magazine editor, si Joven ay nakasama rin sa produksiyon ng musical show noon ni Manilyn Reynes sa RPN9. Wala mang inawit si Manilyn na obra ni Valera, tiyak iyon nagamit din nila ang obra ni Valera sa kanilang show sa telebisyon noong panahong iyon.

May ginawa rin siyang isang music magazine, kaya nga lalo siyang naugnay sa musika ng panahong iyon. Sa aming palagay, iyang mga bagay na iyan ang nagtulak kay Tan na gawin ang film bio ni Valera. Pero hindi ngayon lang iyan. Nauna na niyang plano ang pelikulang iyan para maipalabas sa isang internet streaming network, pero ngayon ngang bukas na ang mga sinehan sinubukan nilang pumasok sa Summer MMFF na siyang nagbigay sa kanila ng assurance ng playdate sa mga malalaking sinehan sa buong bansa.

Kung kikita nang malaki ang pelikulang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko, oo kikita nga ang mga producer niyon, pero ang mas panalo ay si Valera dahil pagkatapos niyan tiyak na mas maraming mga tao pa ang maghahanap ng kanyang mga kanta.

About Ed de Leon

Check Also

Valerie Tan Rovilson Fernandez I Heart PH

I Heart PH magtatampok ng ganda ng ‘Pinas, bahay tips

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASASAKSIHAN na ang awardwinning Lifestyle and Travel  show, I Heart PH sa …

MMFF 50th mural painting

16 artista sa MMFF mural painting kinuwestiyon; Sharon, Juday, Aga inisnab

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TAWAG-PANSIN at tiyak may iintriga sa 16 na mga artists …

Angela Morena Butas

Angela nahuhusgahan sa pagiging Vivamax star

RATED Rni Rommel Gonzales BUTAS ang titulo ng bagong proyekto ni Angela Morena kaya tinanong namin ito kung …

Judy Ann Santos Chito Roño Lorna Tolentino Janice de Belen Chanda Romero

Judy Ann sa pagtanggap ng Espantaho — overwhelm ako sa cast at nae-excite

RATED Rni Rommel Gonzales HANDS-ON bilang ina si Judy Ann Santos at nakatutok sa lahat ng ganap …

Pia Cayetano Boy Abunda CIA with BA

Paalala ng ‘CIA with BA’: Barangay officials, maaaring mag-isyu ng VAWC protection order

MULING iginiit ng talk show at public service program na CIA with BA ang mahalagang papel ng …