Wednesday , November 12 2025
Erik Matti Vilma Santos

Erik Matti katuparan ng pangarap na maidirehe si Ate Vi

HATAWAN
ni Ed de Leon

DREAM come true pala para sa batikang director na si Erik Matti na makasama sa isang pelikula ang star for all seasons na si Vilma Santos. May mga binabanggit pa siyang mga pelikula ni Ate Vi na naging paborito niya noong araw, at natural ngayon siya ang magiging director sa isang pelikula, na siya namang gagawin ng aktres

pagkatapos ng kanyang comeback movie with Boyet de Leon. Sinasabi niyang ang

pelikula nila ay magiging kasing ganda rin ng mga pelikula ni Ate Vi na hinangaan niya.

Magaling naman talagang director si Erik, at ang mga pelikula niya ay umaani ng awards sa mga international film festivals, hindi sa mga hotoy-hotoy na festivals lang sa abroad na nasa limang sinehan lamang. Si Matti ay ilang ulit na ring nakipag collaborate sa ilang international movies, kaya basta sinabi niyang world class, alam

niya kung ano ang sinasabi niya.

Sa parte naman ni Ate Vi, hindi rin niya inililihim na gusto niyang makatrabaho ang director. In fact nasabi niya sa amin minsan na natutuwa siyang ang isa sa mga offer sa kanya ay pelikula ni Erik at sinabi niyang tinanggap na niya iyon, bagama’t may mga

babaguhin pang ilang bahagi ng project.

Gusto ko rin naman siyang makatrabaho talaga,” sabi ni Ate Vi.

Habang nagsu-shooting si Ate Vi ng kanyang comeback movie with Boyet, inaayos naman nang husto ang material ng pelikula ni Erik para sa pagbabalik ng Star for All Seasons ay makapagsimula na agad sila.

Palagay namin, hindi malayong makagawa ng mga tatlo o apat na pelikula si Ate Vi bago matapos ang taong ito. Eh may walo pa siyang scripts na nakapila eh.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Formula 5

First anniversary concert ng Formula 5, special at patok

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING espesyal ang ginanap na first anniversary concert ng  Formula …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth at Francine wala pa ring level ang relasyon

HARD TALKni Pilar Mateo ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista …

Viva Movie Box

Viva Movie Box patutunayan ang tagline na Mahirap Bumitaw

MATABILni John Fontanilla SA celebration ng 44th anniversary ng Viva Entertainment sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario at …

Nadine Lustre 23 bday business

Nadine kaseksihan nag-uumapaw   

MATABILni John Fontanilla OOZING with sexiness ang ibinahaging mga larawan ni Nadine Lustre sa kanyang  32nd birthday. Ang …