Sunday , November 27 2022
BONDS by IQOS Philip Morris

Para sa smoke-free future
PMI NAGLUNSAD NG ABOT-KAYANG HEATED TOBACCO

INILUNSAD ng Philip Morris International Inc. (PMI) ang kanilang bago at abot kayang heated tobacco product sa Filipinas, ang “BONDS by IQOS” na layong maisakatuparan ang kanilang smoke-free vision.

Ayon Kay PMI Chief Executive Officer Jacek Olczak, layon nitong makapagbigay ng makabagong smoke-free options upang masigurong ang mga adult smoker ay hindi na babalik sa sigarilyo.

At ito ay sa pamamagitan ng BONDS by IQOS na espesyal na idinesenyo para sa tobacco stick, ang BLENDS ay isang bagong produkto mula sa IQOS na world’s No. 1 tobacco heating system, alok para sa adult smokers na nais ipagpatuloy ang kanilang paninigarilyo sa pamamagitan ng smoke-free product na kinompirma ng siyensiya bilang alternatibong sigarilyo.

Maaari nang mabili ang BONDS by IQOS at BLENDS sa Metro Manila at sa mga sari-sari store sa susunod na taon sa abot kayang halaga. Ang BONDS by IQOS device ay P990 na may apat na iba’t ibang kulay na pagpipilian samantala ang BLENDS ay P100 kada pakete ay may limang flavors kabilang ang classic menthol.

Binigyang diin ni PMFTC President Dennis Gorkun, ang nais ng PMI ay maisakatuparan ang kanilang vision na smoke-free sa hinaharap.

“PMFTC, as the market leader in the Philippines, is committed to put the country at the hub of the global smoke-free future. The addition of BONDS by IQOS to our smoke-free portfolio in the Philippines is another significant step towards that goal of a smoke-free future for 16 million Filipino smokers and their loved ones,” ani Gorkun.

Ang BONDS by IQOS heats tobacco ay isang alternatibong paraan imbes sindihan ay pinaiinit ito upang mas maibigay ang authentic tobacco taste na walang upos at amoy ng sigarilyo.

Ang IQOS na ang world’s most successful tobacco heating device na inilunsad ng PMFTC noong 2020 sa Filipinas kasabay ng tobacco sticks na HEETS at patuloy na tinatangkilik sa merkado sa buong bansa.

“BONDS by IQOS provides an opportunity to address consumer acquisition barriers for this segment, most notably up-front device costs and authentic tobacco taste satisfaction—providing further options of innovative smoke-free options to help ensure they do not go back to cigarettes. Through continuous innovation, we want to ensure that all adult smokers who would otherwise continue smoking, switch and abandon cigarettes,” diin ni Olczak.

“With the Filipino adult smoker in mind, we endeavor to offer accessible, affordable science-backed alternatives to smoking combustible cigarettes, with the goal to accelerate the realization of that transformative vision,” dagdag ni Gorkun.

Hangad ng PMI na sa taong 2025, higit sa 40 milyong adult smokers ay lumipat sa smoke-free products at inaasahang sa nasabing taon ay higit 50 porsiyentong kita ay mula sa smoke-free products.

Nabatid na nitong 30 Setyembre 2022, tinataya ng PMI na mayroong 19.5 milyong naninigarilyo ang ngayon ay IQOS users na. (NIÑO ACLAN)

About hataw tabloid

Check Also

Loiegie Dano Tejada Ms Ls Beauty

Ms L’s priority ang good health ng mga Pinoy

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang katatapos na grand opening ng Ms L’s Beauty and Wellness Corporation …

Krystall Herbal Oil, Fely Guy Ong, FGO

Kulugo sa paa tanggal sa Krystall Herbal Oil 

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong,                Ako po …

Ms L's Beauty & Wellness Corp 

Dating make-up artist may sarili nang negosyo at kompanya 

MA at PAni Rommel Placente NAKAUSAP namin ang isa sa owner ng Ms. L’s Beauty & …

Jeric Gonzales Urban Revivo

Store opening dinumog

COOL JOE!ni Joe Barrameda AFTER niyang daluhan ang intimate presscon ng Broken Blooms ay dinaluhan naman niya …

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Talsik ng mantika at peklat sa mga braso, tanggal sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …