Sunday , December 3 2023
ULINIG ni Randy V. Datu
ULINIG ni Randy V. Datu

Kabayaran ng katigasan ng ulo sa panahon ng kalamidad

ULINIG
ni Randy V. Datu

MAPAGPALANG ARAW sa ating lahat. Ating naulinigan na maaliwalas na ang ating kalangitan, palatandaan na lumipas na ang bagyong Karding. Salamat nang marami.

Pagkakataon para suriin ang kapaligiran natin para sa posibleng pinsala sanhi ng malakas na paghangin at pag-ulan. Tiyakin natin na walang anomang pinsala ang ating bahay.

Ipagdasal din natin ang limang rescuer mula sa Bulacan na nasawi habang sinisikap na ilikas ang mga residenteng ‘nakulong’ ng baha sa kanilang tahanan.

Hindi nila kilala ang mga residente, ngunit dahil sa tawag ng tungkulin na nakaatang sa kanila ay sinuong nila ang malakas na agos. Ngunit sa kasawiang-palad, biglang lumakas ang agos at sila, ga bihasang tagaligtas, ay ginupo ng kalikasan.

Sana ay magmulat sa ating kaisipan ang pangyayaring ito. Ang ating lokal na pamahalaan, sa pamamagitan ng Municipal o City Disaster Risk Reduction Management Council, ay nagpapalabas ng mga babala kaugnay ng papalapit na panganib tulad ng bagyo o posibilidad na pagguho ng lupa, o pagsabog ng bulkan.

Ito ay upang mapababa, kung hindi man tuluyang mawala, ang kaso ng pinsala, nasaktan o nasawi, sakaling ang panganib na tinutukoy ay maganap sa apektadong bayan.

Sa ganitong paraan, maibabaling ng pamahalaang lokal ang resources (kagamitan, manpower at pondo) sa ibang tulong na kinakailangan ng mamamayan.

Sa kasamaang-palad, marami sa ating mga kababayan ang sadyang matitigas ang ulo, na akala mo ay mga immortal at walang takot sa panganib.

Madalas ipinagwawalang-bahala ang panawagan ng mga lider, pulis, barangay, tanod, na lumikas na patungo sa mga evacuation center habang may pagkakataon pa. Habang wala pang banta ng panganib.

Marahil, iniisip ng marami, may mga susundo naman sa kanila sakaling tumaas pa ang tubig,; Sakalaing mag-iba ang daan. Hindi man lang inisip ang kaligtasan ng mga susundo sa kanila.

Ang mga rescuer na may mga pamilyang naghihintay; mga mahal sa buhay na nagdarasal para sa kaligtasan nina kuya, tatay, o anak. Na sa panahong iyon ay nagbubuwis-buhay at sinusuong ang panganib para ilikas ang mga taong huli na nang maisip na kailangan na nilang lumikas. Mag-evacuate!

Sana, magkaroon ng batas na magpapataw ng kaparusahan sa mga tao na hindi susunod sa panawagan ng pamahalaang lokal para sa evacuation; O kaya ay papirmahin ang mga residente na ayaw lumikas sa isang kasulatan na walang magiging pananagutan ang pamahalaan sakaling sila ay madisgrasya.

Hindi sana ganito, pero, dapat nating isipin ang kapakanan din ng mga taong nasusuong ang buhay sa panganib dahil sa mga taong sadyang matapang sa una ngunit nag-uumiyak kapag nanganib na ang buhay.

**********

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, mag-email sa [email protected]

About Randy Datu

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Aral-aral din pag may time, Sen. Risa!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata TOTOO nga ang kasabihang “birds of the same feather …

YANIG ni Bong Ramos

Vendors sa Blumentrit, nag-iiyakan sa tara

YANIGni Bong Ramos NAG-IIYAKAN umano ang mga vendor sa buong palengke ng Blumentritt dahil ‘tara’ …

Sipat Mat Vicencio

Makabayan bloc ‘nabudol’ ni Tambaloslos

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI ang Makabayan bloc kung inaakalang ang kanilang ginawang pangangalampag sa Kongreso …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

LTO, kailangan ang PNP vs colorum PUVs

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. DAPAT papurihan si Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor …

Dragon Lady Amor Virata

 ‘Olats’ sa BSKE ‘di pabor kay mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIRAP manalo sa eleksiyon kung hindi ka sa panig …