Friday , September 13 2024
PROMDI ni Fernan AngelesI
PROMDI ni Fernan Angeles

Fake news pa more

PROMDI
ni Fernan Angeles

MASAKIT mawalan ng isang mahal sa buhay, pero hindi na hapdi ang dulot ng isang politikong sukdulang gamitin ang pagpanaw ng isang huwarang ina sa hangaring isulong ang sariling interes at mapanatili ang impluwensiya sa distritong nagbigay sa kanila ng bonggang ganansiya.

Hinanakit ni Geraldine Deguangco, lantarang kawalang respeto umano sa kanyang yumaong nanay Emelita ang ipinamamalas ng kampo ni Congressman Alfred Vargas at kapatid nitong konsehal Patrick Vargas nang gamitin ang pagkamatay ng kanyang ina sa ipinalalaganap na fake news laban sa katunggali sa nalalapit na halalan sa Mayo.

Dangan naman kasi, nakapila raw sa tanggapan ng isang kalabang kandidato ng nakaupong kongresista ang kanyang ina dahil kukubra ng paunang bayad para iboto ang kalaban sa posisyon ng utol ng kinatawan sa ika-limang distrito ng Quezon City.

Kuwento ni Geraldine, Marso 19 nang tumungo ang kanyang ina para ikuha siya ng application form para makasali sa qualifying examination ng isang scholarship program.

“No’ng araw na ‘yun, ako dapat ang pupunta kaya lang nag-aaral din kasi ako sa ALS, gusto ko rin kasi makapagtapos ng pag-aaral ko. Nag-volunteer ‘yung mama ko na pupunta para makakuha din ‘yung mga apo niya ng scholarship galing kay Ate Rose Lin,” sambit ng batang Deguangco sa isang panayam sa radyo.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nahilo umano ang kanyang ina at hinimatay. Sa tagpong iyon, agad na isinugod sa pagamutan si nanay Emelita. Sa madaling salita, hindi siya dead-on-the-spot, katunayan, nakausap pa ni Geraldine ang kanyang ina habang nilalapatan ng lunas.

Maging ang isyung pinabayaan umano ang kanyang ina, itinanggi ng anak ni nanay Emelita. Katunayan, hanggang sa pagamutan, inasikaso sila ng mga itinalagang staff ng katunggali ng utol na nakaupong kongresista.

Pati mga nagsasakripisyong doktor, pinagmukha pang masama. Ang totoo, walang doktor na nanaising mamatayan ng pasyente dahil para sa kanila, malaking konsuwelo ang makapagligtas ng buhay ng iba. ‘Ika nga nila, matamis na ngiti at sinserong pasasalamat lang, sapat na.

Heto pa ang masaklap – nang pumanaw si nanay Emelita, may nagtangkang kunin ang kanyang bangkay na tila nais pang iparada ng mga politikong mapagsamantala, ayon mismo sa mga kawani ng ospital kung saan pumanaw si nanay Emelita.

Kundi pa sa maagap na pag-aasikaso ni Geraldine at sa tulong ng isang Ate Rose, malamang nabihag na ng mga politikong walang alam kundi manira ng iba sa hangaring pagtakpan ang kinasangkutang anomalya kaugnay ng pekeng pabahay na nakapambiktima ng hindi bababa sa 500 maralitang pamilya.

Sa isang banda, tama rin naman ang taktika ng third termer na kongresista – pinakamabisang paraan para makalimutan ang bulilyasong kinasasangkutan ay ang paglikha ng bagong isyung pag-uusapan.

Istayl mo, bulok!

About Fernan Angeles

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Umay ka na ba sa korupsiyon?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG pagiging talamak ng korupsiyon sa mga pinapasok na …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Sumuko nga ba o naaresto si Kingdom of Jesus Christ (KOJC)?

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI ang nagugulohan sa totoong detalye ng pagpapasakamay ni Quiboloy sa …

Dragon Lady Amor Virata

Senator Cynthia Villar tatakbo para sa kongreso  magpinsang Aguilar maglalaban para sa mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NOONG nabubuhay pa ang yumaong Vergel “Nene” Aguilar, tahimik …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Ano pa ang hinihintay ng DOH sa Mpox vaccine?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI pa naman daw kailangan ng social distancing para sa seguridad …

YANIG ni Bong Ramos

74-anyos lolo, nawalan na ng wallet at cellphone, ikinulong pa

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang sinapit ng isang 74-anyos Lolo na matapos mawala ang wallet …