Thursday , June 1 2023
PROMDI ni Fernan AngelesI
PROMDI ni Fernan Angeles

Nalagay na sa peligro, pati pabuya nasuba pa

PROMDI
ni Fernan Angeles

SA KAMPANYA ng Bureau of Customs (BoC) laban sa smuggling, hindi matatawaran ang papel na ginagampanan ng mga impormante. Katunayan, walang tagumpay na anti-smuggling operation kung walang impormanteng maglalakas loob.

Ito mismo ang dahilan kung bakit ipinatupad ang isang polisiyang gantimpala para sa mga impormante. Sa ilalim ng nasabing polisiya, 20% ang sa kanila, depende sa halaga ng napurnadang kontrabando.

Ang siste, parang hindi naman yata nakukuha nang buo ang katumbas na gantimpala. Ito mismo ang hinanakit ni Felicito Mejorado na sumugal at ngayon ay nagtatago laban sa nakaambang peligrong dala ng sindikatong kanyang nabulilyaso taong 1997.

Aniya, ang kanyang impormasyon ang nagbigay daan para makolekta ng BoC ang tumataginting na P4 bilyong halaga ng smuggled na langis noong panahon pa ng administrasyong pinamumunuan ni Pangulong Fidel V. Ramos.

Ang dapat sana’y P800 milyong pabuya, ginawang hulugan – sukdulang mawaglit nang magpasalin-salin ng administrasyon. Hindi kaya kinaltog na ng mga nagkalat na ganid sa gobyerno? Hindi naman siguro. Katunayan, nakabinbin sa Department of Budget and Management (DBM) ang mga dokumentong hudyat para makuha niya ang sadyang para sa kanya.

Giit ni Mejorado, aprobado na ng BoC, Bureau of Treasury at Department of Finance ang naturang pondong katumbas ng kanyang gantimpala. Pero sa hindi mawaring kadahilanan, biglang naipit at nawaglit.

Ang masaklap, nakatanggap na si Mejerado ng paunang P67 milyon mula sa gobyerno, patunay na lehitimo ang kanyang giit na kinokolektang pondo. Nang sumapit ang takdang panahon na dapat ay kukubra siya, ang impormante nauwi sa wala – sa madaling salita, nganga!

Gustuhin man ni Ginoong Mejorado, hindi siya makalutang sa publiko makaraang pagtangkaan ang kanyang buhay ng nasagasaang sindikato. Katunayan, kundi pa siya nagkunwaring patay, hindi siya marahil tinantanan ng mga armadong kalalakihang pumasok sa kanyang tahanan.

Apela ngayon ni Ginoong Mejorado sa Pangulong Rodrigo Duterte, ibigay kahit man lang ang kanyang second tranche na ayon sa Bureau of Treasury ay nakalagak bilang “trust fund” sa Philippine National Bank.

Ang siste, kailangan pa munang maglabas ng Notice of Cash Allotment (NCA) order ang DBM, bagay na ayon sa isang kasangga ko sa Palasyo ay iniipit ng isang mala-butanding sa lapad na opisyal sa Palasyo.

About Fernan Angeles

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Solusyunan ang unemployment, Mr. President

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. Nabunyag sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mga bugok sa QC hall, magbago na kayo

AKSYON AGADni Almar Danguilan Mayroon pa palang mga bugok na kawani sa Quezon City Hall. …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Panibagong fertilizer scam?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. TILA walang katapusan ang pagpapalabas ng Department of Agriculture …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Gera ni MGen. Okubo vs “1602”; si J. Bernardino at “137” sa Las Piñas

AKSYON AGADni Almar Danguilan KALIWA’T KANAN na naman ang operasyon ng limang distrito ng pulisya …

Dragon Lady Amor Virata

Extension ng SIM card registration tigilan

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HUWAG na sanang magkaroon ng extension para sa SIM …