Wednesday , November 12 2025
Coco Martin Sharon Cuneta Gabby Concepcion Sanya Lopez

GABBY PINATAOB SI SHARON
(Cardo ‘di nakaporma kay First Lady) 

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANG dami-daming naririnig na mga kuwento sa kalagayan ng kilalang broadcast journalist na si Mike Enriquez. Nagkaroon ng statement ang GMA na pinayagan nilang magbakasyon muna si Mike para makapagpagamot na kailangan niya. Pero sinabi niya na inaasahan nilang makababalik siya bago ang kanilang coverage ng darating na eleksiyon.

Natanong namin ang isang common friend tungkol sa totoong sitwasyon, at ang sabi sa amin maganda naman ang kalagayan ngayon ni Mike at nagpapalakas na dahil alam niyang sa pagbabalik niya sa trabaho masasabak na naman siya nang husto. This time sa kidney pala ang operation ni Mike.

Bukod sa 24 Oras, si Mike ay may radio program din umaga at maghapon pa rin ang trabaho niya bilang president ng RGMA. Madalas pa ang biyahe niya dahil kailangan niyang puntahan ang kanilang mga provincial station.

Iba ang kalagayan ng GMA sa ngayon. Halos kanila ang toptelevision programs. Iyong 24 Oras na siya nilang premiere newscast ang lumalabas na most watched television program na nagrehistro ng 16.0 % sa huling survey ng AGB Nielsen. Iyong kalaban nilang TV Patrol na may combined audience sa A2Z at Kapamilya Channel ay nakakuha lamang ng rating na 2.3%. First time rin yatang nangyari base sa aming natatandaan na ang isang newscast ay tinalo sa rating ang isang serye. Iyong serye na may pinakamataas na ratings sa ngayon ay iyong kina Gabby Concepcion at Sanya Lopez na nakakuha ng 13.4% sa ratings. Mas mababang ‘di hamak sa 24 Oras

Iyong kalaban namang serye niyon na kasama pa si Sharon Cuneta na dating asawa ni Gabby ay nakakuha lamang 10.7% na combined ratings mula sa Zoe TV, Tv5, at Kapamilya Channel. Sa isang serye, malaking lamang iyong “3” sa ratings. Mas malalaking support pa ang mga kasamang artista roon at inaasahan nila na sa pagsali pa ni Sharon unbeatable na sila, “anyare”?

Kung sa bagay, malaking dagok talaga iyong nasara ang ABS-CBN, at kahit na sinasabi nilang milyon ang nanonood sa kanila sa internet at nagba-blocktime pa sila sa dalawang estasyon, hindi pa rin nila makuha ang reach ng dati nilang 150KW power at 50 provincial stations.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Formula 5

First anniversary concert ng Formula 5, special at patok

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING espesyal ang ginanap na first anniversary concert ng  Formula …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth at Francine wala pa ring level ang relasyon

HARD TALKni Pilar Mateo ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista …

Viva Movie Box

Viva Movie Box patutunayan ang tagline na Mahirap Bumitaw

MATABILni John Fontanilla SA celebration ng 44th anniversary ng Viva Entertainment sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario at …

Nadine Lustre 23 bday business

Nadine kaseksihan nag-uumapaw   

MATABILni John Fontanilla OOZING with sexiness ang ibinahaging mga larawan ni Nadine Lustre sa kanyang  32nd birthday. Ang …