Friday , December 13 2024
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

Respeto

TAYANGTANG
ni Mackoy Villaroman
NITONG 14 Hunyo 2021 nang ilabas ni Fatou Bensouda ang kanyang final report at rekomendasyon para siyasatin ng International Criminal Courts (ICC) sa Hague, Netherlands ang mga naganap na EJK o extrajudicial killings mula 1 Hulyo 2016 hanggang 19 Marso 2019, ang petsa kung kailan tumiwalag ang Filipinas sa Rome Statute.
 
Dagdag ni Bensouda sa PTC o Pre-Trial Courts ng ICC: “Iisang grupo ang ang may kakagawan ng mga EJK. Iisa ang pagsasagawa ng mga krimen sa Davao mula 1988 hanggang 2016, at ang EKJs mula nang naluklok sa Mr. Duterte sa Malacañan ay iisa ang modus.”
 
Maaalala na halos 30,000 ang pinatay dahil sa EJK. Dahil dito nakahinga nang malalim si dating senador Sonny Trillanes.
Ani Trillanes: “This is another monumental step towards justice for all the families of victims of EJKs. The long arm of the law will soon catch up with Duterte and his accomplices.”
Si Trillanes at dating Magdalo Party List Rep. Gary Alejano ang nagsadya sa ICC headquarters sa The Hague at nagsampa ng kasong “crimes against humanity” laban kay Rodrigo Duterte at ilang kasapakat dahil sa malawakang pagpatay gamit ang “assets” ng gobyerno sa madugong “drug war” ni Duterte.
Ang ICC ay itinatag upang litisin ang mga kasong kriminal na “state-sponsored” o krimen na gawa ng estado. Ito ay iba sa normal na kasong kriminal dahil ang nag-uutos ng krimen ay ang “estado” at ang pulis at sundalo ang nagsasagawa nito. Kapag nagkataon, si Duterte ang kauna-unahang pinuno ng bansa na nasasakdal sa ICC. Pati ang dating United Nations rapporteur na si Agnes Callamard, na binatikos ni Duterte, ay natuwa sa nangyayari.
 
Ani Callamard: “This is a much-awaited step in putting murderous incitement by President Duterte and his administration to an end.”
Nagsalita ang Malacañan, at, ayon kay Harry Roque, hindi makikipagtulungan si Duterte sa hiling ng International Criminal Court na imbestigahan ang “crimes against humanity” na iniuugnay sa “war on drugs.”
 
Ani Roque, hindi na miyembro ng ICC ang Filipinas. Subalit kung nabasa ni Mr. Roque ang dokumento ni Gng. Bensouda, ang mga taon mula 2016 hanggang 2019 lang ang tinutukoy. Miyembro pa ng ICC ang Filipinas noong mga panahong iyon.
Ayon sa netizen na si Rodolfo Hilado Divinagracia: “Hindi raw magko-cooperate si Dutz sa imbestigasyon ng ICC. Ok, fine, whatever… pero pano kung padalhan siya ng summons at warrant of arrest ng ICC?
Nakasisiguro ba siya sa loyalty ng PNP at AFP?
Hindi maipagkakaila na lumabas ang balita noon sa issue ng WPS na may mga dating heneral at kasalukuyang heneral na desmayado kay Dutz dahil sa pagbalewala niya sa konstitusyon. Napraning si Dutz sa balita na iyon.
 
Ngayon, dahil sa prospect ng warrant of arrest na manggagaling sa ICC, mayoon na ulit ugong-ugong na may mga faction sa AFP at PNP na handang isilbi ang WOA na ito kay Duterte upang siya ay hulihin. Tingnan natin kung may katotohanan ang balitang ito.
Abangan! May napapraning na naman!
Mahaba ang tatahakin ng asuntong ito. Pero isa lang ang tiyak dito:
 
Ang kampo ni Duterte ay handang ‘manlaban.’
 
***
NAPANSIN ko ang marubdob na sigalot na namamagitan na mga kampo pro-Leni at pro-Trillanes, at sumasang-ayon ako sa kaututang-baso kong peryodista na itago natin sa pangalang Bobot Fradejas.
 
Hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan
i-bash siya dahil ginagawa lamang niya ang kanyang trabaho bilang isang mamamahayag. Bagaman mahaba ang pisi na kasinghaba ng long hair niya, tao pa rin si Mr. Fradejas. Napipikon, nagagalit. Likas ang pagiging matimpiin ng kaibigan nating Romblonon, subalit may damdamin siya at tao lang kaya may mitsa rin ang galit. Sa maikli, don’t kill the messenger.
 
Payo ko sa magkabilang kampo mapa-Leni man o Trillanes: Iisa ang pakay natin. Ang magkaroon ng tunay na kinatawan ng lehitimong oposisyon.”
Sa kasalukuyan, dalawa ang kandidato. Si Sonny Trillanes at si Leni Robredo. Pareho silang may kakayahan na maging timon ng lehitimong oposisyon. Nananalangin ako na nawa’y maging mapagnilay ang pagpili ng 1Sambayan. Nananalangin ako na nawa’y pagnilayan ito ng tumatao sa bawat kanto. Panalangin ko sa bandang huli, tatanggapin at rerespetohin ng magkabilang kuwadra ang desisyon ng 1Sambayan.
 
Sabi nga ng nasirang Coach Baby Dalupan:
“Eyes on the ball.”
 
***
TUMUTUTOL ako sa pagpataw ng 25% na dagdag-buwis sa mga pribadong paaralan. Bukod sa walang puso, dahil karagdagang pasakit ito sa sektor ng pribadong paaralan, taliwas ito sa mga umiiral na batas. Pero ang pinakamalaking dagok ay ang papasanin ng mga magulang ng nag-aaral sa pribadong paaralan dahil sila ang susuka ng dagdag na bayaring ito.
Sa napipintong resolusyon ng BIR Revenue Regulation 5-2021, ang buwis ng mga pribadong paaralan ay tataas mula 10% hanggang 25%. Ito ay pagtaas na 150%!
Samakatuwid kung may dalawang anak ka sa pribadong paaralan na dati P80,000 ang tuition nila kada taon, pagkatapos ng RR 5-2021 ito ay magiging P100,000!
Mahigit 900 pribadong paaralan ang napilit na magsara. May 500,000 estudyante ang napilitang lumipat sa mga pampublikong paaralan. Halos 5,000 guro ang nawalan ng trabaho. Kalakip din ang mga negosyo tulad ng canteen, school bus service, mga janitor, at security guards.
Hindi ko po minamaliit ang pampublikong paaralan, ngunit hindi nakatutulong ang pagsasara ng mga pribadong paaralan, bagkus, nakadaragdag pa ito sa pasakit sa taongbayan dahil ang mamamayan ay mistulang gatasan na lang ng pamahalaan.
Tutulan natin ito!

About Mackoy Villaroman

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *