Wednesday , September 11 2024

Movie writers may sariling ayuda sa mga kapwa manunulat

NATUWA kami roon sa
ginawang showbiz
community pantry
 at doon sa proyekto rin naman ng SPEEd, iyong Project Kalingap na nagbigay ng ayuda sa mga movie writer. Sa totoo lang, maraming mga movie writer ang hirap na hirap na sa buhay. Wala na silang sideline. Wala na silang PR work kasi wala na nga halos nagpo-produce, at kung mayroon man puro mga small time lamang. Isang katotohanan din na may ibang diyaryo na hindi na nakapagbabayad ng kanilang mga writer.

Mabuti kami rito sa Hataw binabayaran kami ng maayos. Kaya nga noong isang araw naalala ko ang huling kuwentuhan namin ng yumao na ring si Ricky Lo. Kasi pinuna niya na noong araw marami kaming columns, pero ngayon dalawa na lang, sinabi ko naman sa kanya na ayoko na kasing magsulat sa mga diyaryong walang respeto sa kanilang mga manunulat, na mabilis naman niyang sinagot na, ”alam mo totoo iyan.”

Bakit kami natuwa sa showbiz pantry at sa proyekto ng SPEEd? Kasi naipakita ng mga movie writer na maaari silang magtulungan para masuportahan ang kanilang mga kasamahan. Hindi iyong aalukin ka ng ayuda pero nakatali kang dapat maging sunod-sunuran sa kanila. Alam mo iyan Tita Maricris, kung ilang ulit kong tinanggihan ang isang nag-aalok ng ayuda. Hindi kasi sila dapat magbigay ng ayuda.

Ang dapat na ginagawa nila ay ang ilagay sa ayos ang industriya para makapagpatuloy sa panahon ng pandemya, hindi iyong sila pa ang naglalagay ng kung ano-anong restrictions na lalong nagpapahirap sa paggawa ng pelikula.

Kami, hindi kami kumuha ng anumang ayuda mula sa gobyerno. Makatatayo naman kami sa sarili naming paa eh. Tingnan ninyo, walang sabi-sabi nagkaroon ng showbiz community pantry. Walang sabi-sabi may ayuda ang mga editor sa kanilang mga writer, at kung talagang walang-wala na, sigurado kami nariyan si Boss Jerry Yap at tutulong iyan. Iyon ngang hindi niya writers natutulungan niya eh. Maski mga journalist galing probinsiya tinutulungan niya eh, kahit na hindi na siya presidente ng press club. Mas marami pa ngang nabibigyan ng ayuda ang Hataw kaysa press club.

Pero ang talagang ikinatutuwa namin, nakakatayo ang mga movie writer sa sarili nilang mga paa, nang marangal kahit na sa panahon ng pandemya. Tulungan lang talaga ang kailangan. Aba iyong natanggap naming unang ayuda, nakabili kami ng 80 kilo ng manok, na hinati naming tig-kalahating kilo, kaya 160 pamilya ang kumain ng manok na iyon. Doon sa pantry, ang daming groceries na magagandang klase hindi iyong tipong relief goods o mga de latang hindi na mabili at malapit nang mag-expire. Marami ring nakinabang doon. Hindi ba nakatutuwa ang ganyan?

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

About Ed de Leon

Check Also

Paolo Contis Dear Santa

Paolo Contis nalungkot sa desisyon ng MTRCB, Dear Santa ‘di na maipalalabas

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio DISAPPOINTED si Paolo Contis sa pinal na desisyon ng Movie and Television Review …

Mike Magat

Mike Magat gustong maidirehe si Coco

RATED Rni Rommel Gonzales FULL TIME na sa pagiging direktor ang aktor na si Mike …

Ken Chan

Ken Chan nabulabog ipinanghihingi ng pera

MA at PAni Rommel Placente NANANAWAGAN si Ken Chan sa publiko para bigyan ng babala tungkol sa …

Ariel Rivera

Ariel Rivera ‘ginamit’ sa modus, nanghingi ng pera sa mga kaibigan

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang Instagram account, ibinandera ni Ariel Rivera ang screenshot ng isang Facebookaccount na kapareho …

Derek Ramsay Ellen Adarna

Derek masaya sa kompletong pamilya kasama si Ellen

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ng radio host na si Morly Alino, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *