Monday , October 7 2024

Listahan daw ng National Artists nominees, fake news

MAY naglabas ng kuwento sa internet na   umano may listahan ang Cultural Center of the Philippines (CPP) at National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ng mga nominated nilang National Artists. May mga, sorry to say “mapagpaniwala” na nabiktima ng fake news na iyon. Paano mong paniniwalaan ang tinghoy na iyon samantalang ang mismong websites ng CCP at NCCA ay walang inilabas na announcement.

Wala ring lehitimong media na pumatol sa kalokohang posts. Kung totoo iyan, bakit siya lang ang nakaaalam at wala isa mang lehitimong diyaryo ang pumatol diyan on line? Halimbawa nga itong Hataw, kung may dumating na istorya na hindi umabot sa deadline ng diyaryo, may ginagawang update ang Hataw on line 24 oras kaya hindi mo iyan mauunahan sa pagbabalita. Ganoon din naman ang ginagawa ng mga lehitimong diyaryo. Iyong mga media at diyaryong hotoy-hotoy lang, hindi namin alam. Pero may mga “mapag­paniwala” kaya nabibiktima nila.

May mga tao kasing basta ang sinabi ay gusto nila, paniniwalaan agad nila at ikakalat pa. Mabuti kung sila na lang ang maging biktima ng pagiging “mapagpaniwala” nila, eh kaso baka isipin pang kasama ang mga artistang nabanggit sa fake news na iyon. Nakahihiya.

Halimbawa na nga si Ate Vi (Vilma Santos), hindi naman sa hindi siya interesado. Alam naman niyang iyan ang highest award para sa isang artist, pero hindi hinahabol iyan ni Ate Vi dahil sinasabi nga niyang hindi pa naman siya nagre-retire bilang isang artista. Marami pa siyang gagawin kaya mahaba pa ang kanyang panahon para riyan.

Kung bibigyan siya ng ganyang award ng maaga sige, kung hindi naman huwag na muna. Mas mabuti na nga naman iyong huwag muna siyang ma-nominate kaysa ma-by pass naman siya.

Si Ate Vi iyan naman ang hindi naghahabol ng awards talaga. Maski nga iyong mga acting award eh, kung manalo siya manalo, kung hindi ok lang. Kung sasabihin nga niya, basta gumagawa siya ng pelikula ang iniisip niya iyong fans, iyong publiko. Masisiyahan ba ang mga tao sa pelikula o TV show niya? Kasi ginagawa naman niya iyon para sa mga tao. Kung bigyan man siya ng award dahil sa mga iyon bonus na lang iyon. Eh kung mapupuntahan ninyo ang bahay ni Ate Vi, may isang kuwarto siyang punompuno na ng trophies na napanalunan niya, sobrang bonus na iyon para sa kanya. Ano pa nga ba ang hahabulin niya?

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Taxi Japan

Jed dela Vega ng Pinoys Everywhere may panawagan: Mag-ingat sa mga puting plaka sa Japan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY panawagan naman ang ilang mga kaibigan natin sa Japan.  Ayon …

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Maine sa paglilibang ng Pinoy Drop Ball — Let’s be a responsible gamer, balanse ang saya sa pagtaya

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA opisyal na pagbubukas ng Pinoy Drop Ball ng BingoPlus, masayang ibinahagi ng ambassador …

Diwata

Diwata papasukin ang politika para maging boses ng mga vendor 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging Online Sensation at matagumpay na negosyante, sasabak na rin …

Rhian Ramos Sam Verzosa SV

Rhian suportado pagtakbo ni SV— I’ve never campaign anyone in my whole life pero if he needs me andoon ako 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SAMPUNG mamahaling sasakyan na nagkakahalaga ng P200-M ang ibinenta ni Tutok …

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Perya feels handog ng Pinoy Drop Ball ng BingoPlus

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PERYA feels ang ibinabandera ng pinakabagong laro ng BingoPlus, ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *