Thursday , November 14 2024

Programang Adopt-An-Estero, pinagtibay ng Manila Water, DENR at LGUs

PINANGUNAHAN ng Manila Water ang Adopt-an-Estero Memorandum of Agreement (MOA) Ceremonial Signing sa pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kasama ang iba’t ibang lokal na pamahalaan (LGUs) na kinabibilangan ng mga lungsod ng Quezon, San Juan, at Mandaluyong, upang maisakatuparan ang clean-up o paglilinis ng San Juan River at ng mga estero at tributaries nito.

Layon rin ng programa na mapagtibay ang bawat pangako ng partner-agencies upang masolusyonan ang problema sa kapaligiran lalong-lalo ang paglilinis ng mga ilog at iba pang dinadaluyan ng tubig.

Kasama rin sa ginanap na MOA signing ang paglagda sa updated usufruct agreement sa pagitan ng DENR at Manila Water para sa pagsasaayos at pag-upgrade ng East Avenue Sewage Treatment Plant sa lungsod ng Quezon.

Saklaw sa pag-upgrade ang retrofitting ng pasilidad alinsunod sa DENR AO 2016-08 na pasado sa itinakdang pamantayan para sa biological nutrient removal sa treated effluent, maging ang pagpapalawak ng sewerage network nito.

Matatandaan noong Enero 2020, ibinahagi ni DENR Secretary Roy Cimatu na isa sa layunin ng kagawaran ay linisin ang San Juan River na tinugunan ng Manila Water sa pamamagitan ng pagtataguyod ng programang Adopt-an-Estero na may kaakibat na mga technical at social solutions upang malinis ang mga estero at mga daluyan ng tubig.

Samantala, nangako ang mga LGU na susuportahan ang mga programang nakapaloob dito kasama ang desludging services o pagpapasipsip ng poso negro sa mga kabahayan, donasyon, at pagbibigay ng cleaning materials at tools para sa pagsasagawa ng clean-up drive; pakikilahok sa mga kampanya para sa impormasyon, edukasyon at komunikasyon (IEC) at iba pang mga inisyatibo sa ilalim ng programang Adopt-an-Estero.

Si DENR Assistant Secretary Ricardo Calderon ang kumatawan kay Sec. Roy Cimatu sa naturang ceremonial signing at nagpahayag ng pasasalamat sa Manila Water at sa iba pang katuwang sa proyekto para sa hindi matatawarang suporta sa implementasyon ng iba’t ibang programang pangkalikasan.

Kapwa nagbigay din sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at San Juan Mayor Francis Zamora ng kanilang buong suporta para sa nasabing programa kasabay ang pagkilala sa Manila Water sa pagsisikap nitong higit pang mapalawak ang serbisyo sa tubig at alkantarilya sa kanilang mga lungsod.

Binigyang-diin ng Pangulo at CEO ng Manila Water na si Jose Rene Almendras na bilang suporta sa mandato at programang impraestruktura ng ating pamahalaan, magtatayo ng mga karagdagang sewage treatment facilities at palalawakin ang sewer network sa East Zone bilang bahagi ng overall wastewater roadmap ng Manila Water.

Dagdag ni Almendras, ito lamang ay nagpapatunay na matatag ang pangako at layunin ng Manila Water na makapagbigay ng malaking kontribusyon para sa rehabilitasyon ng Manila Bay at mga daluyan ng tubig.

Ani Almendras, ito ang kauna-unahang pagkakataon para sa Manila Water na magsagawa nang sabay na physical at virtual memorandum signing upang matugunan ang matagal nang suliranan hinggil sa tinaguriang walo sa pinakamaruruming creek o estero sa Metro Manila kabilang na ang Maytunas at Ermitanyo Creek, pati na rin ang Buhangin at Buayang Bato Creek.

Kabilang sa MOA signing sina Manila Water President at CEO Jose Rene Almendras kasama sina DENR Assistant Secretary Ricardo Calderon, Quezon City Mayor Joy Belmonte, San Juan City Mayor Francis Zamora, MWSS Administrator Emmanuel Salamat, MWSS-RO Chief Regulator Patrick Ty, Mandaluyong City Administrator Ernesto Victorino at Manila Water Chief Operating Officer Abelardo Basilio.

Ang Manila Water ay pribadong konsesyonaryo ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System para sa East Zone na nagseserbisyo sa higit 7,000,000 residente sa silangang bahagi ng Metro Manila at lalawigan ng Rizal.

About hataw tabloid

Check Also

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Home Credit: Notice of Annual Stockholders’ Meeting

Notice is hereby given that the Annual Stockholders’ Meeting of Home Credit Mutual Building And …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *