Friday , July 18 2025

Regulasyon sa paggawa ng pelikula ng FDCP, ikababagsak ng industriya

NAUNA nang tinutulan ng Philippine Motion Picture Producers’ Association (PMPPA), ang pinaka-unang samahan ng mga film producer sa Pilipinas, ang regulasyong gustong ipatupad ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa paggawa ng pelikula, at iba pang audio visual materials. Sinabi ng PMPPA na ang regulasyon ay hindi makatotohanan at ang susundin nila ay ang bagong work code na binuo ng Inter Guild Alliance na binubuo ng mga manggagawa sa pelikula.

 

Ang regulasyon ng FDCP ay tinutulan din ng Directors’ Guild of the Philippines o DGPI, at sinabi pang ang kailangan nila ay “konsulta at hindi dikta.” Nagpalabas din sila ng isang official statement na nagsasabing hindi nila tinatanggap ang regulasyong ginawa ng FDCP  ng walang konsultasyon sa mga lehitimong manggagawa sa pelikula.

 

Tinutulan din iyon ng iba pang audio visual artists, sa pagsasabing “ang mandato nila batay sa batas ng pelikula lamang. Wala silang pakialam sa ibang audio visual productions.”

 

Noong isang araw, Hulyo 1, 2020, matindi ang naging statement ng mga artista sa pelikula at telebisyon na nagbuo ng isang bagong samahan iyong Aktor, o League of Filipino Actors. Sinabi rin nilang hindi katanggap-tanggap para sa kanila ang regulasyon ng FDCP, at ang gusto nilang ipatupad ay ang regulasyon ng inter guild alliance. Sinabi pa nilang ang regulasyon ay isang pakikialam sa kanilang malayang idea, at limitasyon sa kanilang artistic abilities.

 

Dalawang bagay ang maaaring bagsakan ng usapang iyan. Una, ang tuwirang balewalain ng industriya ang regulasyon ng FDCP, o kung ipipilit ng FDCP ang pagpapatupad niyon, titigil ang mga lehitimong manggagawa ng pelikula na gumawa ng ano mang proyekto. Lalong lalaki ang problema, dahil mangangahulugan iyan ng kawalan ng trabaho, at lalong pag-urong ng ekonomiya ng bansa. Alin man sa dalawa ang mangyari, talo ang FDCP.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Camille Prats

Camille acting iiwan focus muna sa mga anak

MA at PAni Rommel Placente NAGPAALAM na ang karakter ni Camille Prats bilang si Olive Caparas sa afternoon …

Ogie Diaz Zanjoe Marudo How To Get Away From My Toxic Family

Ogie Diaz may payo, paano nga ba makawala sa toxic family?

RATED Rni Rommel Gonzales TINANONG namin si Ogie Diaz kung ano ang maipapayo niya tungkol sa toxicity …

Sharon Cuneta scented candles

Sharon may bagong negosyo

MATABILni John Fontanilla PINAGKAKAABALAHAN ngayon ni Sharon Cuneta ang paggawa ng scented candles at  gusto nitong gawing negosyo. …

BlueWater Day Spa 5

Teejay Marquez at Choi Bo Min, sinabi mga gustong maka-bonding sa BlueWater Day Spa

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SINA Teejay Marquez at Korean actor na Choi Bo Min ang …

Dina Bonnevie House of D

Dina nagtampo sa Diyos

RATED Rni Rommel Gonzales KINAMUSTA namin si Dina Bonnevie makalipas ang anim na buwan mula nang pumanaw …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *