Monday , October 14 2024

Deployment ng DH sa ME itigil na lang

INULAN na naman ng batikos si Pang. Rodrigo “Digong” Duterte kama­kailan sa kanyang paha­yag tungkol sa kaso ng rape o panghahalay sa mga kababaihang over­seas Filipino workers (OFWs).

Sa kanyang talum­pati, ang sabi raw ni Digong:

“For those working as slaves overseas, rape comes with the territory. Kasali sa kultura.”

Palibhasa, sa mga nakagawiang estilo ng pagkukuwento at paraan ng pananalita ni Digong sa mga nakaraan ay hindi nagustuhan at itinuring na malaking kabastusan ng iba ang kanyang pahayag.

Ang paghahanap kasi ng mali at maipipintas ang pinakamadaling gawin, imbes umisip ng maipapanukalang solusyon kung paano matutuldokan ang krimen at pang-aabuso ng mga employer sa dayuhang bansa laban sa mga kababaihang OFW, partikular sa mga nama­masukan bilang mga domestic helper o kasam­bahay.

Alam naman nating lahat na mula’t sapol ay problema na noon pa man kahit ng mga administrasyon na sinundan ni Digong ang pang-aabuso ng mga employer sa mga kasambahay o DH na OFWs Middle East.

Matapos kong limiin ang tinuran ng pangulo, wala naman akong nakitang masama, at sa aking pagkakaintindi ay nagsasabi lamang si Digong ng katotohanan sa tunay na sitwasyon ng OFWs na biktima ng pang-aabuso.

Ang kahulugan ng sinabi ni Digong, sa aking pagkakaintindi, ay given o sadyang hindi maka­iiwas ang mga kababaihang OFW sa panghahalay ng kanilang mga Arabong employer na dayukdok sa laman.

Kung tutuusin, ang sinabi ni Digong ay pag-amin na rin sa katotohanan na walang sapat na kakayahan ang pamahalaan natin na protektahan ang mga inaabusong kababaihan sa Gitnang Silangan.

Kung tutuusin, mas masahol pa ang sinabi ni noo’y Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Raul Manglapus noong rehimen ni yumaong Pang. Cory Aquino.

Ang payo ni Manglapus sa mga inaabusong OFWs ay humakot ng matinding galit mula sa publiko.

Sabi ni Manglapus, “If rape is inevitable, just lie back and enjoy it.”

Harapin natin ang katotohanan na kahit maapi ang mga DH na OFWs ay sila pa ang lalabas na may kasalanan sa bandang huli dahil karamihan sa Arab countries ay hindi sibilisado ang umiiral na batas.

Isa pa sa malaking problema ng ating pama­halaan ay Arabo na abogado lang ang pina­payagang humarap sa mga hukuman na malaking gastos kapalit ng serbisyo.

Hindi pa kasama sa kailangang pagkagas­tahan ng ating pamahalaan ang kabayaran kapag talo ang kaso na laging kasama sa hatol.

Kahit pa alam ‘yan ng ating mga OFW bago pa man sila magtungo sa mga bansang paroroonan pero nagpipilit pa rin silang makipagsapalaran sa kagustohang makapagtrabaho, alang-alang sa kanilang pamilya.

Kung pati mga kalalakihan nga, maging mga hayop na camel at kambing, ay ginagahasa ng Arabo – babae pa kaya ang hindi!

Tanggapin natin ang katotohanan na walang kakayahan ang sinomang administrasyon na ma­igiit ang batas natin laban sa batas ng ibang ban­sa.

Isa lang ang tanging solusyon kung nais nating matigil ang abuso, kung ‘di ang ipahinto muna ng pamahalaan ang deployment ng mga kasam­bahay na OFWs sa Gitnang Silangan.

Bahala na silang humanap ng kasambahay sa ibang mga bansa na nakahandang magpa­ga­hasa sa mga Arabo.

Saka na lang natin ulit payagan ang deployment sa mapanganib na bansa sa Gitnang Silangan kapag patas na ang kanilang mga batas na gumagarantiya sa kaligtasan ng mga DH na OFWs laban sa employer.

Isa lang ang sigurado, liliit ang kita ng gobyerno oras na magpatupad ng total ban sa deployment ng mga DH na OFWs sa Middle East.

Ang tanong, ano ang pipiliin ng gobyerno, pera o dangal?

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Unang hamon sa integridad ni Torre

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. WALA pang isang linggo mula nang tanggapin niya ang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Naggagandahang obra ng PDLs, bida sa BIDA ng BJMP

AKSYON AGADni Almar Danguilan BIDANG-BIDA ang mga naggagandahang obra ng mga persons deprived of liberty …

Dragon Lady Amor Virata

Mga police security ng kandidato alis muna

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata PAG-UUSAPAN na sa Commission on Elections (Comelec) ang araw …

Sipat Mat Vicencio

Lapid, Abby tagilid na kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio HINDI kakayaning makapasok sa ‘Magic 12’ ang lahat ng kandidato ni Pangulong …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mapayapang eleksyon, target ni PRO3 RD PBG Maranan

AKSYON AGADni Almar Danguilan UMUPO na bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *