Friday , October 4 2024
TINUNGO ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Senator Richard Gordon si dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa opisina ng Senate Sergeant at Arms para sandaling mag-usap makaraan tumangging dumalo si Faeldon sa pagdinig kahapon. (MANNY MARCELO)

Judge Santos, ipatawag din kaya ni Sen. Gordon?

IPINAGYABANG ni Sen. Richard Gordon na possible raw ipag-utos ng Senado ngayong araw ang paglipat kay dating Bureau of Customs (BOC) commissioner Nicanor Faeldon sa Pasay City Jail.

‘Yan ang banta ni Gordon sakaling si Faeldon ay patuloy na tumangging humarap sa hindi matapos-tapos na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa smuggled P6.4 billion shabu na nasabat sa lungsod ng Valenzuela noong Mayo.

Sabi ni Gordon, “’Yan ang pinag-usapan namin, we have to protect the Senate. Can you imagine, ‘pag tinawag ko, hindi pupunta, ayaw — e ‘di wala na tayo malalaman sa shabu.”

Nahihibang na yata si Gordon at parang hindi alam na ang isinampang reklamo laban kay Faeldon at iba pang mga dating kasamahang opisyal sa Customs ay matagal nang ibinasura ng Department of Justice (DOJ).

Hindi naman kataka-taka na mabasura ang kaso laban kay Faeldon at mga dating kasama­hang Customs officials dahil wala naman silang direktamenteng partisipasyon sa importasyon ng nasabat na droga.

Kung may kasalanan si Faeldon at mga da­ting kasamahang opisyal ay pagpapabaya sa tungkulin (dereliction of duty) na hanggang ngayon naman ay 100 porsiyentong nagaganap pa rin araw-araw hindi lamang sa Customs kung ‘di sa halos lahat ng opisina ng pa­mahalaan.

Dapat ipanggalaiti ni Gordon at ng mga walang silbing mambabatas na kasabwat, este, kasamahan niya sa Senado ang karumal-dumal na pagkakabasura ng hukuman sa kaso ng mga direktamenteng sangkot at nagpasok ng droga sa bansa.

Noong Dec. 12, 2017 ay ibinasura ni Regional Trial Court (RTC) Branch 171 Judge Maria Nena Santos ang kaso laban kay Richard Tan (aka Chen Ju Long), may-ari ng bodega sa Valenzuela na pinaglagakan ng nasabat na kontrabando, at ang kanyang mga kasabwat sa importasyon ng P6.4-billion shabu.

Inabsuwelto rin ni Santos sa kaso sina Manny Li, Kenneth Dong Yi, Eirene Mae Tatad, Teejay Marcellana, Chen I-Min, Jhu Ming Jyun, Chen Rong Huan, at ang Customs fixer na si Mark Ruben Taguba II.

Mabuti pa ang mga mahistrado ng Korte Suprema ay naipatatawag ng Kamara, pero bakit ang hukom na si Santos ay hindi maipatawag ni Gordon at ng Senado para pagpaliwanagin kung magkano, este, paano naabsuwelto ang mga damuhong smuggler?

Palibhasa, ni minsan siguro ay hindi pa nakatikim si Gordon na makulong kaya nasasabi ni­yang natatakot si Faeldon na humarap sa im­bestigasyon ng Senado.

Matatawag ba na duwag o takot ang isang tao na mas minabuting magpakulong kaysa humarap sa mga walang kapararakang imbestiga­syon cum senakulo ng Senado?

Ang dapat ipaliwanag ni Gordon at ng Senado ay kung bakit ni ha, ni ho ay wala silang imik sa pagkabasura ni Santos sa kaso laban sa mga nagpasok ng P6.4 shabu shipment.

Kaya tama lang magsuspetsa ang publiko na kunwa-kunwariang “investigation in aid of legislation” ang talagang kadalasa’y pakay ng komite ni Gordon at ng Senado.

Halimbawa ang nabaon sa limot na P50-M robbery-extortion case na kinasangkutan ng ilang mataas na opisyal ng DOJ at Bureau of Immigration (BI) na iniimbestigahan ng Senado.

Kung ‘di mabalewala ay abala pa sa pag-usad ng kaso ang imbestigasyon ng Senado, tulad sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo.

Paano ang pamilya ng mga biktima na napagkakaitan ng hustisya na ang suspetsa ay nababalewala kapag iniimbestigahan ng Senado?

 

INAALAT SI MOCHA

NASILAT na naman si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Sec. Mocha Uson matapos niyang ilipat sa Naga ang Mayon Volcano na hindi naman umaalis sa Albay.

Sabi tuloy ng comedian-actress na si Ethel Booba sa kanyang post sa social media:

“Sa sobrang gulo ng Filipinas ‘yung mga lupain natin naglipatan na. Spratlys lumipat na sa China sunod ‘yung Bulkang Mayon pumunta na sa Naga. Charot!”

Akala ko ba ay eksperto at pari ng journalism ang mga kasamang naitalaga sa PCOO?

Wala man lang ni isang mediocre sa PCOO ang nakapagturo kay Mocha na pagdating sa impormasyon ay very basic o importanteng tatandaan ang 4-W (what, where, when, why).

Paalala lang po, hindi paghahatid ng fake news ang trabaho ng PCOO kung ‘di tamang impormasyon.

‘Yun lang!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

 

About Percy Lapid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Delusional, kung ‘di man desperada

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. DELUSIONAL na marahil ang ating Bise Presidente, si Inday …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Suwerteng QCitizens, bibilhan ng condo ni Mayor Joy B.

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAPAKASUWERTE talaga ng QCitizens sa pagkakaron ng isang Alkalde na ang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Talento mo sa paggawa ng parol, isali sa “Kumukutitap 4” ng QC

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW ba ay isa sa daang libong QCitizens na may itinatagong …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paglalantad sa backdoor

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MATAPOS mapanood ang privilege speech ni Senator Raffy Tulfo …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Serbisyo ng LTO, hanggang Sabado na

AKSYON AGADni Almar Danguilan PASO na ba ang inyong lisensiya sa pagmamaneho at hindi makapag-renew …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *