Monday , October 7 2024

Las Piñas nagdaos ng 12th Parol Festival

ILANG  araw bago ang Pasko, muling ipinakita ng mga residente ng Las Piñas ang kanilang galing sa paggawa ng kahanga-hanga at naglalakihang parol para sa 12th Parol Festival na ngayo’y isa nang okasyon taon-taon sa siyudad na nilalahukan ng Las Piñeros.

Ang mga kalahok na parol sa festival ay yari sa recycled materials. Ito ay may sukat na 8 ft x 8 ft.

Sinimulan ni Sen. Cynthia A. Villar ang Parol Festival na kanyang brainchild noong siya ay congresswoman pa ng Las Piñas sa layuning patampukin ang industriya ng paggawa ng parol.

Binuo ang “Samahang Magpaparol ng Las Piñas” at itinatag ang Las Piñas Parol Center na nagsilbing training area sa lantern makers.

“I felt right at that time to help my constituents to provide them with the venue not only to showcase their talents but to also encourage residents, especially promising entrepreneurs, to venture into parol making which is a highly lucrative industry. And 12 years today, we have given birth to hundreds of creative parol makers in Las Piñas adding another revenue stream for our Las Piñas residents,” ani Villar.

Inihayag ni Villar na siya at ang kanyang pamilya ay palagiang inaabangan ang taunang festival at ang parol makers.

Kasama ang kanyang asawang si dating Senate President Manny Villar at anak na si Public Works Secretary Mark Villar, pinangunahan nila ang kasiyahang idinaos sa Villar SIPAG, na naka-display simula pa noong 1 Disyembre, ang mga parol ng 16 parol makers.

Ang parol maker na si Andrew Flores ang nag-uwi ng first prize na P20,000. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Maine sa paglilibang ng Pinoy Drop Ball — Let’s be a responsible gamer, balanse ang saya sa pagtaya

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA opisyal na pagbubukas ng Pinoy Drop Ball ng BingoPlus, masayang ibinahagi ng ambassador …

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Perya feels handog ng Pinoy Drop Ball ng BingoPlus

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PERYA feels ang ibinabandera ng pinakabagong laro ng BingoPlus, ang …

Piolo Pascual Rhea Tan Beautéderm

PIOLO PASCUAL NAGPAKILIG SA MEET AND GREET SA BEAUTÉDERM HQ,  
Ms. Rhea Tan nagdiriwang ng 15 taon sa negosyo

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Ultimate Heartthrob ng bansa na si Piolo Pascual ay …

2024 SOCCSKSARGEN Regional Science and Technology Week now open

2024 SOCCSKSARGEN Regional Science and Technology Week now open

THE Department of Science and Technology Region 12 (DOST XII) officially kicked off the 2024 …

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

TANGCAL, LANAO DEL NORTE—To provide modern technical guidance and assist farmers in value-adding production, the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *