Tuesday , December 10 2024

Tetay, nagpaka-Madam Auring, movie nila ni Vice ‘di raw mangunguna sa unang araw ng MMFF

122815 kris vice

00 fact sheet reggeeHINDI namin kinayang pumila sa napakahaba at paikot na pila sa Gateway Cinema noong Huwebes, (Disyembre 25) bandang 12:30 p.m. kaya lumipat kami sa Alimall na mahaba rin ang pila pero nakatitiyak kaming hindi naman kami mauubusan ng ticket tulad ng nangyari noong 2014.

At dahil mga bata ang kasama namin ay inuna naming panoorin ang Beauty and The Bestie at take note Ateng Maricris, 5:00 p.m. screening na ang nakuha namin bandang 1:00 p.m..

Ang All You Need Is Pag-Ibig nina Kris Aquino at Derek Ramsay ang isusunod naming panoorin pero bungi-bungi at ilang upuan na lang ang bakante at in fairness, nag-sold out ang pelikula ng 1:30 p.m. screening.

Palabas din ang Haunted Mansion sa Alimall at full pack din samantalang ang Honor Thy Father ay maraming bakanteng upuan pa kaming nakita.

Hindi palabas ang My Bebe Love sa Alimall kaya hindi namin na-witness ang mga taong pumapasok, pero sa Gateway ay dagsa ang tao.

Anyway, nakakuha kami ng ranking sa walong pelikulang kasama sa Metro Manila Film Festival 2015 sa unang araw nitong palabas.

Nanguna ang pelikula nina Vic Sotto at Ai Ai de Las Alas na My Bebe Love at pawang mga bata kasama ang magulang ang nanood kaya hindi kataka-takang mag-number one ito.

Pangalawa ang Beauty and The Bestie nina Vice Ganda at Coco Martin na mga bata, matanda, at teenagers ang kasama naming nanood.

Pangatlo ang Haunted House nina Janella Salvador, Marlo Mortel, at Jerome Ponce at mga teenager at couple ang nakita naming lumabas ng sinehan at nagkakatawanan pa. Hmm, hindi naman nakatatawa ang pelikula, ah? (Baka natawa sila dahil hindi nila inaasahang ang mga lalaking kasama nila ay natakot hehehe—ED).

Pang-apat ang All You Need Is Pag-ibig nina Kris at Derek kasama sina Kim Chiu at Xian Lim plus Ian Veneracion at Jodi Sta. Maria na mga mag-asawa, matured women at dalaga, sa madaling salita, mas maraming babae ang nanood sa hugot movie ni direk Antoinette Jadaoneat base rin sa feedback ay matino ang pelikula dahil maayos ang pagkakasulat at pagkakasunod-sunod nito at higit sa lahat, nakakatawa rin daw.

Pang-lima ang #Walang Forever nina Jericho Rosales at Jennylyn Mercado na puro teenagers at young couple ang nakita naming lumabas sa sinehan at mga namumugto ang mga mata, ha ha, ha.

Nasa ikaanim na puwesto ang Buy Now Die Later at mga bagets din ang nakita naming lumabas sa sinehan at may mga mangilan-ngilang mag-asawa.

Pampito ang Honor Thy Father na matured men and women ang karamihang nanood at iilan ang teenagers at iisa ang narinig naming usapan,”ang galing ni John Lloyd.”

Nasa pangwalo at huling puwesto ang Nilalang na bilang lang din ang lumabas ng sinehan at karamihan ay lalaki ang nanood at puro seryoso, hmm bakit kaya?

May pagka-Madam Auring ba si Kris Aquino dahil nahulaan talaga niya na hindi ang pelikula nila ni Vice Ganda ang mangna-number one sa unang araw ng MMFF?

Naniniwala kaming mababago pa ang ranking pagkatapos ng awards night kagabi na ginanap sa KIA Theater dahil kung anong pelikula ang may pinakamaraming awards ay tiyak na papasukin ito ng tao katulad ng nangyari sa English Only Please.

Mauulit kaya ito sa #Walang Forever nina Jennylyn at Jericho at Honor Thy Father nina John Lloyd Cruz at Meryll Soriano?

Samantala, nagkaroon ng kaguluhan sa mga nanood sa SM cinemas dahil nagkaroon daw ng swapping of tickets ng pelikulang My Bebe Loveat Beauty and the Bestie.

Nagtanong kami sa taga-Star Cinema tungkol dito kung may statement sila, pero hindi kami sinagot, sabagay wala naman silang kinalaman dito at higit sa lahat ay inako naman ng SM Cinema management ang pagkakamali nila dahil sa high volume of tickets purchased at nangako sila na mabibilang daw ng tama ang mga ticket na nanood ng pelikula nina Vic at Ai Ai.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Maris Racal Anthony Jennings

Maris at Anthony pinagwelgahan na ng mga produktong ineendoso

HATAWANni Ed de Leon NOONG una naming marinig ang statement at apology na ginawa niyong …

Jamela Villanueva Maris Racal Anthony Jennings

Pasabog kina Maris at Anthony parang national issue

I-FLEXni Jun Nardo UMARIBA ang mga sawsawero’t sawsawera sa pagbubuking kina Maris Racal at Anthony Jennings na para bang …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Male star bumalik sa pagbebenta ng lupa, direk iniwan

HATAWANni Ed de Leon NAKITA namin ang isang male star na gumagawa ng mga BL series sa …

Neri Naig

Neri Naig laya na, kasong isinampa ipinarerepaso 

HATAWANni Ed de Leon HALOS matapos ang limang araw na pinayagan si Neri Naig na madala sa …

Klinton Start

Klinton Start, patuloy sa paghataw sa dance floor

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG taon na ang nakaraan, isa si Klinton Start sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *