Thursday , March 20 2025

Tinadtad na ng disqualification case si Sen. Poe

00 pulis joeyLIMANG disqualification case na ang kinakaharap ngayon ni Senadora Grace Poe.

Ang senadora ay nangunguna sa mga survey sa pagka-presidente. Nakabuntot sa kanya sina Vice President Jojo Binay at dating DILG Sec. Mar Roxas.

Ang pinakabagong nagsampa ng disqualification laban sa kandidatura ni Sen. Poe sa Commission on Election (COMELEC) ay si Atty. Amado Valdez, dating Dean ng UE Law Department.

Sa kanyang complaint affidavit, binanggit ni Valdez na sa ilalim ng batas ay kailangan aniya na ang isang kandidato ay isang natural born citizen ng Filipinas.

Iginiit din niya na kulang pa ng 10 years na paninirahan sa bansa ang senadora para kumandidatong presidente.

Sakali naman aniyang natural born citizen si Poe, umalis naman siya ng bansa noong 2001 at tinalikuran ang pagka-Filipino at nanumpa bilang US citizen.

Binanggit din ni Valdez ang kabiguan ni Poe na makapagsumite ng DNA test na magpapatunay na ang kanyang mga magulang ay Pinoy.

Si Poe ay sinasabing napulot sa loob ng isang simbahan sa Jaro, Iloilo, na may nakakabit pang pusod, patunay na bagong silang pa lamang. Pero hanggang ngayon ay walang makapagsabi kung sino ang kanyang mga magulang.

Sinasabing anak siya ni dating late President Ferdinand Marcos sa isang artista na si Rosemarie Sonora, ina ng actress na si Sheryl Cruz.

Inalok naman ni Sen. Bongbong Marcos na magpa-DNA sila ni Sen. Poe baka nga sila’y magkapatid. Pero tinanggihan ito ng Senadora.

Tumanggi rin si Sheryl Cruz na magpa-DNA.

Bago si Valdez, naghain din ng kahalintulad na kaso sina De La Salle University Political Science Prof. Antonio Contreras, ex-DoJ prosecutor Estrella Elamparo, ex-Sen. Francisco Tatad at presidential aspirant Rizalito David.

Sabi naman ni Poe, bahala na ang Korte Suprema maghusga sa mga nakasampang kaso laban sa kanya. Hiniling pa niyang desisyunan na ito sa lalong madaling panahon.

Kapag nagkataon, hindi lang ang kandidatura sa pagkapresidente ni Poe ang nanganganib kundi pati ang kanyang pagka-senador. Tsk tsk tsk…

Kung hindi kandidatong presidente si Poe, mauungkat kaya ang Filipino citizenship niyang ito?

Tila humina na tuloy ang kandidatura ni Poe. Sayang poe talaga…

73 anyos na si VP Binay!

Napasyal ako kahapon sa birthday celebration ni Vice President Jojo Binay sa Coconut Palace, sa PICC Complex. Tinawagan kasi ako nina ex-Mayor Ramie Galicia at retired Judge Jose Madrid na pumunta rito.

Si Galicia ang coordinator ni Binay sa Romblon province at si Madrid ang kandidatong kongresista ni Binay sa naturang lalawigan.

Present sa birthday ni VP Binay sina Senador Juan Ponce Enrile, Sen. JV Ejercito at hinihintay din dumating si Manila Mayor Erap.

Nakabalandra rin sa labas ng Coconut Palace ang napakaraming luxury cars na may plakang 8, numerong nakalaan para sa sasakyan ng isang kongresista.

Andaming tao at maraming lechon baka. Pero hindi ako kumain. Baka mabulunan ako e. Hihihi…

Hindi rin naman ako nagtagal doon dahil kailangan ko pang gumawa ng kolum ko at iba pang artikulo sa diario namin.

73 anyos na pala si VP Binay. Happy birthday!!!

Bakit itinatago ang mga pulubi sa APEC?

– Sir Joey, bakit tayong mga Filipino itinatago natin ang katotohanan ngayong papalapit ang APEC SUMMIT? Itatago ang mga eye sore sa daan tulad ng mga pulubi. Samantala alam ng mga bansang kasapi ng APEC na tayo ay 3rd world country, karamihan e mahihirap. Mga ipokrito! – Manuel ng Malate, 09086680…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

About Joey Venancio

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Tagilid si Pia Cayetano

SIPATni Mat Vicencio KUNG hindi magiging maayos ang campaign strategy ni Senator Pia Cayetano, malamang …

Dragon Lady Amor Virata

Vloggers target ng NBI

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SA RAMI ng fake news na nakikita natin sa …

Sipat Mat Vicencio

Si Bong Go ang lulusot na kandidato ni Digong?

SIPATni Mat Vicencio MALIBAN kay Senator Bong Go, ang walong natitirang senatorial candidates ni dating …

Firing Line Robert Roque

Problema sa disenyo o kinulimbat na pondo?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ILANG araw makalipas ang hindi kapani-paniwalang insidente — ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Molotov attacked sa kotse ng photojourn, QCPD nakapuntos na

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI pa man napapasakamay ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *