Thursday , October 3 2024

Auction proceeding sa smuggled rice/sugar

00 pitik tisoyHANGGANG ngayon ay malaking problema pa rin sa Filipinas ang RICE and SUGAR smuggling.

Bakit sa kabila ng mahigpit na pagbabantay ng Bureau of Customs (BOC), National Food Authority (NFA) at  Sugar Regulatory Administration (SRA) ay patuloy pa rin ang palusot sa merkado ng smuggled rice.

Bakit nga ba Jojo Soliman?

Ang isa pang nakikita nating problema ay paglalagay ng mga nahuling kontrabando sa AUCTION proceedings to generate additional revenue for BOC.

Ang sistemang ito ang isang nasisilip na paraan ng mga ismagler to recover their goods by using legitimate bidders from customs para mabawi nila ang kontrabando nila.

Paano nga mahihinto ang rice/sugar smuggling kung mailalaas din naman from BOC thru AUCTION?

Ang first step ng mga smuggler, they will try to process the shipment by using a fictitious consignee and by misdeclaration baka sakaling makalusot sa assessment at sa mainit na mga mata ng Customs enforcement and intelligence group.

At kung sakaling mabuko sila, ang second option nila ay hintayin na lamang na malagay for auction ang kanilang kargamento.

The third option, ng ibang smugglers is to abandoned their shipments and the fourth ay ipahuli na lang at hintayin na lang kung kailan ipapa-auction ng customs.

Ang auction ang pinakamagandang option na ginagamit ngayon ng smugglers or players. Kahit matagal but sure na walang hassle dito kapag nanalo at balita ko mas malaki pa ang kanilang kinikita.

Walang lalgayan kung kani-kanino sa customs.

Hanggang ang sistema sa paglalagay ng mga kontrabando for auction proceedings ay magpapatuloy ang smuggling ng mga imported na mga BIGAS at ASUKAL.

Hindi ba puwedeng for destruction ang mga ito? Pwedeng for DONATION or LIBERALIZED and

STOP BOC -AUCTION pagdating sa mga bigas at asukal.

Ano kaya ang masasabi ni Customs Depcomm. DELLOSA at Depcomm. NEPOMOCENO sa isyung ito.

Sila ang nagpapakahirap na manghuli pero ‘niyayari’ pala sa auction?!

Wala rin naman naitutulong sa mga local farmer after the auction ‘di ba?

Makikita rin sa mga merkado ang mga nahuling bigas at asukal na pumapatay sa hanapbuhay ng ating magsasasaka.

Comm. Bert Lina, paki-monitor nga ang ilang tulisan na nagmamaniobra sa auction!

About Ricky "Tisoy" Carvajal

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Delusional, kung ‘di man desperada

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. DELUSIONAL na marahil ang ating Bise Presidente, si Inday …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Suwerteng QCitizens, bibilhan ng condo ni Mayor Joy B.

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAPAKASUWERTE talaga ng QCitizens sa pagkakaron ng isang Alkalde na ang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Talento mo sa paggawa ng parol, isali sa “Kumukutitap 4” ng QC

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW ba ay isa sa daang libong QCitizens na may itinatagong …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paglalantad sa backdoor

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MATAPOS mapanood ang privilege speech ni Senator Raffy Tulfo …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Serbisyo ng LTO, hanggang Sabado na

AKSYON AGADni Almar Danguilan PASO na ba ang inyong lisensiya sa pagmamaneho at hindi makapag-renew …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *