Thursday , March 30 2023

Protocol nilabag ni Lina?

00 Palipad hangin Arnold ataderoMAY namumuong tensiyon sa kustoms ukol sa isyu ng paglalagay o pagtatanggal ni Commissioner Alberto Lina ng mga taong inilagay sa  sensitibong puwesto ni PMA alumni, Deputy Commissioner for Intelligence and Deputy Commissioner Ariel  Nepomuceno.

Siyempre umalma sina Dellosa at Nepomuceno. Si Ariel “Nepo” na umano ay malapit sa presidential sisters ay napabalitang naghain ng resignation diretso kay Lina pero tinanggihan ito ni komisyoner.

Unang-una, ang resignation ay ihahain sa president, hindi kay Lina. Pareho lang sila ng rango – both are presidential appointees kaya tinanggihan ni Lina.

Ito namang isyu ukol kay Dellosa, diretso ang kanyang konek kay Pinoy, nagreklamo dahil sa biglang pagtanggal sa dalawa niyang intel officers na workhorse niya sa Intelligence Group. Ito ay sina Oscar Tibayan at Troy Tan, parehong organic officers.

Bago sa pagsibak ni Lina kina Tan at Tibayan (at wala umanong dahilan), sinibak ni Lina ang isa pang officer ni Dellosa na si lawyer Leo Peralta sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) patungong kangkungan (naibalik na yata sa IG).

Ang ating balita, may kinalaman ang pagtatanggal kina Tibayan, Tan at Peralta sa umano ay nasagasaang mga kargamento na may kinalaman sa mga Lina Group of Companies (may l8 business firms si Lina sa NAIA Customs). Isang source natin ang nagbulong na tila may nasagasaang kargamento ng isang  big importer (?) at kuno ay ipinakiusap ni Mr. Lina ngunit hindi yata na-accommodate ang request niya.

Isa raw sa malaking dahilan kung bakit umalma sina Dellosa at Nepomuceno, ang paglabag mismo ni Lina sa protocol rules. Bigla na lang daw dumating ang walking papers ng mga ahente na hindi sinabihan before hand sina Dellosa at Nepomuceno.

Nagtampo  umano ang dalawa dahil sa paglalagay sa lawyer na si Porfirio Gabiola bilang hepe ng X-ray. Ang X-ray, isang senstibong puwesto, ay nasa ilalim ng Enforcement Group, under kay Nepomuceno.

Kinailangan pa raw pumasok sa eksena ang Finance Secretary at isa pang Bureau chief para magamot ang hidwaan ukol sa PROTOCOL o pagrespeto sa dalawa.

Itinuloy din ang pag-aalis kina Tan at Tibayan saka inantala,  in exchange for a compromise.

In other words, naging mutually agreeable and dalawang side  tapos palitan sina Tan at Tiban nina seaseoned collectrors Talek Pablo at Liza Sebastian, parehong lawyer. Tiyak na lalakas ang legal arm ng IG ngayon.

Ibig ba nitong sabihin, hindi good team players ang matataas na pinuno ng kustoms? Kung ganito malamang tiyak nang talo nila sa mga smuggler.

About Arnold Atadero

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Katarungan, pangako ni QC Mayor Joy para kay TE Antolin

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKALULUNGKOT ang nangyari nitong nakaraang linggo sa isang traffic enforcer ng …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Magic trick sa asukal

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BATAY sa pinakahuling imbentaryo ng mga kaso na inilabas …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Lumiliit na ang mundo para kay Arnie

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INIIMBESTIGAHAN si Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves matapos …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Nasaan na ang magagaling  na mambabatas?

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGAMAT hindi sinasadya o walang may kagustuhan sa nangyaring pagtatapon ng …

Dragon Lady Amor Virata

Transport strike tinabla dahil sa magugutom na pamilya

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HINDI naparalisa at nabigong makakuha ng malaking suporta ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *