Wednesday , November 6 2024

Survey: Duterte-Marcos ‘walang talo sa 2016!’

00 pulis joeySA ikatlong araw ng survey ko sa aking Facebook (FB) account at sa kolum na ito via text, sa katanungang:

“Sino kaya ang magandang ipalit kay PNoy sa 2016? Dapat walang bahid ng korapsyon at action man!”

Sa FB, as of 12:00 noon kahapon, nangunguna parin sina Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte na ginusto ng 11 katao, sumunod si Senador Bongbong Marcos (6), Sen. Grace Poe (4), ex-Sen. Ping Lacson (4), Sen. Miriam Defensor-Santiago (3), Vice President Jojo Binay (2), ex-Sen. Manny Villar (2), Batangas Governor Vilma Santos (1), Ramon Tulfo (1), Congw. Leny Robredo (1), Cong. Neri Colmenares (1).

Ang iba ay nag-Likes na lang at ang ibang Comments ay wala pa raw silang napipili, kasi puro korap daw ang politiko lalo na ang trapo (traditional politician).

Sa mga text sa aking kolum sa mga pahayagang Police Files TONITE, X-Files at HATAW! na pawang nationwide ang sirkulason kada araw, napakalaki na ng bilang ng may gusto kay Duterte, as of 12pm kahapon ay nasa 46 katao na, sumunod sina Marcos (21), ex-Mayor Fred Lim (18), Miriam (6), Lacson (5) Poe (5), Binay (3), ex-presidentiable Gibo Teodoro (2), Villar (1), Erap (1) DILG Sec. Mar Roxas (1), Atty. Percida Acosta (1).

Note: Sa mga personalidad na nabanggit, si VP Binay pa lamang ang nagdeklarang tatakbong presidente sa 2016.

Noong hindi pa nabunyag ang mga katiwalian ni Binay noong alkalde pa lamang siya ng Makati City ay halos 95% ang may gusto sa kanya na maging kapalit ni PNoy. Ngunit nang mabulgar ang mga sobra sobrang overpriced ng infrastracture projects niya sa Makati ay parang ice cream na nalusaw ang sarap ni VP Binay. Tsk tsk tsk…

Anyway may 17 months pa si VP Binay para muling kunin ang simpatya ng mga Pinoy.

Sa ngayon, si Duterte at Marcos talaga ang isinisigaw ng bayan. Pag nag-tandem ang dalawa, malamang sila na sa 2016!

Bye bye… Binay!!!

Kapag naging presidente si Binay, cabinet member si Tiu!

– Mr. Venancio, if and when VP Binay wins in the presidential race comes 2016, Antonio Tiu will be given a cabinet position… if not Asec/Usec for his prize in telling the truth on ‘Hacienda Binay’ in Rosario, Batangas. Tony Tiu should prove his worth in saving VP Binay. Take a look on Jose Pedal bank account, sinagot ng kapatid ang pagmamay-ari ng pera sa bangko. Gaya gaya lang yan baka makalusot sa harap ng publiko. – Joel L. Sobremonte ng Oras, eastern Samar, 0999385….

Tinangay ng mga pulis ang motor nang ‘di mahuli ang target na tulak sa QCPD!

– Sir Joey, tanong ko lang. Me karapatan po ba ang mga pulis na basta nalang bitbitin ang motopr ko na nakaparada lang? Kasi po me ni-raid silang bahay na nagtitinda ng droga. ‘Di nila nahuli kaya yung motor ko ang tinangay nila. Mga pulis po sila ng sais sa Quezon City. Ayaw nila ibigay sa akin nang di ako magbibigay ng P5K at ginagamot na ng pulis yung motor ko. – 09304899…

Kailangan mong patunayan sa mga pulis na kumuha sa iyong motorisklo na pag-aari mo ang sasakyan at wala kang kinalaman doon sa tulak na target nila. Kailangan mo ang certification ng barangay na hindi ka sangkot sa droga at wala kang kinalaman doon sa tulak. O kaya’y kasuhan mo ng carnapping ‘yung pulis na gumagamit sa motor mo. Gago ‘yan!

Puro lang paasa si DSWD Sec. Soliman sa Yolanda victims

– Sir Joey, magandang umaga po. Isa po akong taga-Guiuan, Eastern Samar. Bakit hanggang ngayon wala parin nadating na tulong sa amin na galing sa local na pamahalaan ng gobyerno? Puro lang sila paasa lalo na yan si Sec. Dinky Soliman (DSWD). Sinungaling na magna… pa. Dapat tamaan din sila ng bagyong Yolanda nang maramdaman naman nila!!! Maraming salamat po. Mabuhay po kayo. – 09276341…

Magsadya kayo sa inyong barangay officials tapos sa alkalde. Dahil sa kanila nanggagaling ang rekomendasyon sa DSWD para sa tulong mula sa nasyonal.

 REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Apela ng seniors: Booklet tanggalin

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BIHIRANG-BIHIRA, kung nangyayari man, na nagsusulat ako ng pansariling …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy, hindi binigo ni Buslig laban sa kriminalidad sa QC

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANG umupo si P/Col. Melecio M. Buslig, Jr., bilang Director ng …

Sipat Mat Vicencio

Gabay ni Da King sa FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio NOONG nabubuhay pa si Fernando Poe, Jr., kaylan man ay hindi siya …

YANIG ni Bong Ramos

Walang kamatayang hearing sa House at Senate, meron bang nareresolba?

YANIGni Bong Ramos SUNOD-SUNOD at walang kamatayang hearing ang nagaganap sa Senate at House, ang …

QC-LGU, nakaiskor na naman – back-to-back pa

AKSYON AGADni Almar Danguilan WALA na yatang makatatalo o makadadaig sa Quezon City Local Government …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *