Wednesday , December 11 2024

Linis ng budhi at katotohanan ang makalulupig sa Goliaths

00 pulis joeySABI ni Vice President Jojo Binay, nakikipaglaban siya ngayon sa ‘Goliaths’ para maging bahagi ng magandang kinabukasan.

Ang Goliaths na tinutukoy rito ni Binay ay mga kalaban niya sa politika sa 2016 presidential election.

Kung ano-anong paninira raw kasi ang ginagawa sa kanya at sa kanyang pamilya ngayon.

Well, ‘yang Goliaths na sinasabi ni Binay ay langgam lang ‘yan kung talagang malinis ang iyong budhi at walang itinatagong baho sa katawan.

Simple lang naman ang mga isyu kay VP Binay e:

Overpricing ng Makati Parking Building. Kung paano naging P2.7 billion ang 11-storey parking building na ayon sa mga eksperto ay hindi naman aabot sa P1 billion.

Overpricing ng hospital beds ng Ospital ng Makati. Kung paano naging tig-P148,000 plus ang bed na tig-P8,000 lang (gawang Taiwan at hindi New Zealand), ayon sa Commission on Audit.

Kung paano siya nagkaroon ng bilyones na halaga ng ari-arian tulad ng ‘Hacienda Binay’ sa Rosario, Batangas at sa Tagaytay City.

Pinabulaanan niya ang Hacienda Binay, pero lumabas sa video interview ng isang reporter noong 2010, inamin niyang mayroon siyang nabiling farm sa Rosario, Batangas.

Inamin niya rin naman ang mansion sa Tagaytay City, pero matagal na raw niya itong ibinenta.

Marami pa umano siyang mga kuwestiyonableng ari-arian na hindi nakalagay sa kanyang SALN.

Lahat ito ay naipundar daw ni Binay noong mayor palang siya ng Makati City.

Dito siya ngayon iniimbestigahan ng Senado, pero hindi niya sinisipot. Katuwiran niya, pinopolitika lang siya.

Ang pagpasok pa sa imbestigasyon ng Department of Justice at National Bureau of Investigation (DoJ-NBI) ay hayagan nilang hinaharang.

Aba’y dapat ngang magpasalamat si Binay sa pag-iimbestiga ngayon ng DoJ-NBI. Ito’y upang malaman ang katotohanan. Kung may batayan nga ba ang mga akusasyon laban sa kanya o ginigiba lang siya ng mga kalaban sa politika.

Sabi nga ng mga eksperto sa usaping politikal at maging katulad nating simpleng mamamayan: Kung wala kang itinatagong baho sa katawan, i-welcome mo ang lahat ng uri ng imbestigasyon. Harapin mo nang taas noo ang mga accuser. Sagutin mo ng punto por punto ang mga akusasyon and at the end ikaw ang magiging bida at ang mga sumisira sa ‘yo ang masisira.

Say n’yo, mga pare’t mare?

Hinagpis ng sundalong

nababalda

– Mr. Venancio, P1K or P1,700 a month lang ang tinatanggap ng mga sundalong naputulan ng kamay o paa o kaya’y na-trauma na halos mabaliw dahil sa labanan na kanilang pinagdaanan. Depende kung baldado ka na, P1,700 ka. Sa halagang ito ng tinatanggap nila pag sila’y ‘di na makababalik sa serbisyo, kahit sa sarili nila e ‘di kayang buhayin. Upang magkasya ay kailangan maglugaw nalang sa buong buhay niya at manghingi nalang ng asin sa kapitbahay at kung may pamilya pa itong sundalo eh magbigti nalang. Ang mga politiko bilyones kung magnakaw. Mabuti pa ang mga bilanggo na rapist, murderer, druglord at iba pa ay may budget na P55 a day sa meal nila. Mas mabuti pa yung buhay ng mga bilanggo kaysa mga sundalo na nabaldado sa pagtatanggol ng ating bayan. Mga bwisit! – 09326396…

Tumpak! May tama ang ating texter. Dapat bigyan ng malaking benepisyo ang mga sundalong nababalda sa pakikipagbalan sa mga kaaway ng gobyerno.

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

 

Joey Venancio

 

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *