Wednesday , December 11 2024

Happy B-day Hataw & Congrats Boss Jerry Yap

00 rex target logoBINABATI natin ng happy, happy anniversary ang pahayagangHATAW! D’yaryo Ng Bayan, kasabay ng malaking pagpapasalamat sa aming Big Boss na si Ginoong Boss Jerry Yap sa pagkakaloob ng ‘break’ sa inyong abang lingkod para makasulat ng kolum sa itinuturing nating pinakamakabuluhang daily tabloid sa kasalukuyan.

Pagbati rin ang ating ipinaabot sa haligi ng pahayagang ito, Boss Jerry Yap sa patuloy na pagsusumigasig na itaguyod ang ganitong uri ng babasahin na hindi lamang tagapaghatid ng maiinit at sariwang mga balita kundi takbuhan at sumbungan din ng mamamayan na biktima ng pang-aabuso ng mga taong nasa kapangyarihan at inhustisya.

Ang pahayagang HATAW! ay sandigan din ng makatotohanang pagbabalita sa kabila ng malaking panganib na sinusuong at kinakaharap ng mga tauhan sa pagbubulgar ng mga kabulukan sa ating lipunan at sa mismong sistema ng pamahalaan.

Adbokasiya rin ng ating Boss na si Mr. Jerry Yap at ng buong patnugutan ng pahayagang ito na maging parehas sa lahat ng aming pagbabalita at pagbibigay ng komentaryo kung kaya’t laging bukas ang bawat pahina at espasyo ng pahayagang HATAW! sa ano mang reaskyon o tugon ng sino mang indibidwal na nababanggit o natatalakay sa balita o komentaryo ng sino mang writer o kolumnista ng pahayagang ito.

Isang polisiya na bibihirang matagpuan sa ‘present set of media entities’ na mayroon tayo sa kasalukuyan.

Kaagapay ng pahayagang HATAW! ang ALAM o Alab ng Mamamahayag (ALAM), isang organisasyong binubuo ng mga manunulat o working press na pinamumunuan din ni GinoongYap bilang Founding Chairman.

Ang HATAW! at ang ALAM ay magkaisa at magkatuwang sa pagkakaloob ng ayuda at proteksyon sa mga mamamahayag ng bansa na nalalagay sa malaking panganib ang buhay sa araw-araw na pagtupad ng kanilang propesyon.

Hindi rin lingid sa kaalaman ng marami at ng mismong ‘working press’ kung gaano kabait at matulungin si Boss Jerry Yap hindi lamang sa miyembro ng media kundi maging sa immediate families nila.

Hindi na mabilang ang mga insidente kung saan di lamang pinansiyal na tulong ang ipinagkaloob ni Boss Jerry Yap sa mga lumalapit kundi maging legal assistance sa mga hina-harass nating kabaro sa hanapbuhay.

Kinaiinggitan ang correspondents, reporters, photogs at iba pang empleyado ng HATAW! ng ibang publications dahil bukod tanging ito lamang ang tabloid in circulation/operation na nagpapasuweldo nang regular sa mga tauhan.

May ‘insurance coverage’ din ang bawat kawani ng HATAW! na pinagsisikapang imantine at maipagkaloob ni Mr. Yap ng buong taon.

Malaki ang pagmamahal at malasakit ni Ginoong Jerry Yap sa ‘working press.’

Again, CONGRATULATIONS HATAW at MABUHAY ka Bossing Jerry Yap!

Salamat sa malaking tulong na patuloy mong iniaambag sa industriya ng pamamahayag!

More fruitful years to come HATAW!

NASABAT NA 1B-WORTH

OF FAKE BRANDED BAGS,

SINONG NAGPALUSOT SA BOC?

Bakit at paanong nakalusot sa mahigpit na pagbabantay ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit sa isang bilyong piso halaga ng mga pekeng signature bags na nasabat ng mga tauhan ng Intellectual Property Office of the Philippines sa isang warehouse sa Binondo, Maynila?

Ayon sa ating mga spy diyan sa Aduana, isang grupo ng mga dorobong tauhan ng Customs ang nasa likod ng pagpapalusot na ito.

Isang alyas VIDAL KUPAL umano ang nagpalusot ng mga epektos gamit ang tanggapan ng isang opisyal sa BOC.

Mabigat ang expose’ na ito na inaakusahan ang kupal na si alyas VIDAL nang panghihingi ng P230K per container sa brokers at consignees.

Kabilang umano sa mga dumaan sa network ni VIDAL ang nahuling kontrabando ng mga fake signature bags sa Alvarado st., Binondo, Maynila.

Ayon pa sa ating spy, ‘selling like hot cakes’ at putok na putok ang raket ng ito ni VIDAL dahil sa papalapit na holiday season.

Modus operandi ng network ng tarantadong si VIDAL ang panghihingi ng P230K per container sa lahat ng brokers at consignees.

Kabayaran ito sa problem-free release ng mga inangkat na kargamento ng mga negosyante at brokers.

Ang hindi magbibigay ay tiyak na makararanas ng ibayong kalbaryo sa release ng kanilang mga parating.

Worst, kung hindi man ipahuli at inilalagay sa alert status ang kargamento ng broker o ng sino mang consignee gamit ang pangalan ng isang mataas na opisyal sa Customs.

Tinatawagan din po natin ng pansin ang idol nating si BOC Depcom Ariel Nepomuceno na maglunsad ng isang malalimang imbestigasyon patungkol pa rin sa mga ‘vertical’ na diskarte nitong kupal na si alyas VIDAL.

Mabahong-mabaho na po ang pangalan ng ogag sa hanay ng mga brokers at consignees diyan sa Aduana, Depcom Nepomuceno sir!

Pakaingat lamang po sa mga taong nasa inyong paligid. Tama baJERVY?

Tsk! Tsk! Tsk!

They seem to be like ‘thieves in the night’ ready to attack!

May kasunod… ABANGAN!

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Mon – Fri 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

 

Rex Cayanong

 

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *