Tuesday , November 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk GB Sampedro, handang pakasalan si Ritz Azul!

070214 Direk GB Sampedro ritz
ni Nonie V. Nicasio

TAONG 2006 nang simulang buuin ni Direk GB Sampedro ang pelikulang Separados, isa sa entry New Breed category para sa Cinemalaya 2014 na magsisi-mula na sa August 2 sa CCP, Greenbelt Makati, Alabang Town Center, Trinoma at Fairview Terraces.

Aminado si Direk GB na may hawig ang istorya niya sa six main characters dito na hiwalay sa asawa, except iyong character ng closet queen.

“I got separated noong year 2005 at yes, hawig sa true story ko ang kuwento nito, except lang doon sa closet queen which is based on the story of some of my friends,” nakangi-ting saad niya.

“Ang makikita dito ng viewers, eto yung male point of view e, eto ‘yung other side of the story. Makikita rito kumbaga, iyong mga hindi nata-tackle sa mainstream cinema.

“Kasi normally kapag may naghiwalay sa isang pelikula, ang dahilan, dahil ang lalaki ay nagloko. Pero minsan nambababae ang lalaki, dahil… So, iyong ‘dahil’ iyon ang nakalilimutan natin. ‘A kasi, addict iyong lalaki e…’ Pero nakalilimutan natin, naging addict iyong lalaki, kasi… iyong ‘kasi’ ang nakakalimutan natin e.

“Kumbaga, hindi naman natin bine-blame iyong babae, pero it takes two to tango sa isang relasyon, dalawa iyan e. So, this is reality ng relasyon na hindi naman nagtatapos ang relasyon na isang tao lang ang may kasala-nan. Hindi ko rin sinasabi na babae lang, dalawa lagi iyan,” dagdag pa ni Direk GB.

Tungkol naman sa mga bida sa Separados na sina Alfred Vargas , Victor Neri, Jason Abalos, Erik Santos, Anjo Yllana, at Ricky Davao, nasabi ni Direk GB na satisfied siya sa kanilang performance rito.

“Oo, wala akong masasabi sa kanila, napaka-supportive nila, walang may ere diyan… wala kaming naging problema sa shooting e.”

Hinggil naman sa kanyang love-life, nasabi ni Direk GB na isa siyang hopeless romantic kaya naniniwala siyang darating din ang babaeng para sa kanya.

Posible kayang ang TV5 Princess na si Ritz Azul na ang babaeng iyon na nali-link nga-yon sa kanya?

“Kung siya iyong ibibigay sa atin ng nasa Itaas e.”

Puwede ba siyang magpakasal ulit? “Puwede,” matipid na sagot ni Direk GB na siya ring direktor ng Face The People ng Kapatid Network.     .

So, puwede mong pakasalan si Ritz sa lahat ng simbahan? “Hindi ako puwede sa Catholic church e.”

Pero sa Huwes ay puwede? “Oo sa Huwes.”

So Civil? Sa lahat ng Huwes, kaya mong pakasalan si Ritz? “Oo, sa lahat ng Huwes. Sa lahat ng branch, puwede ko siyang pakasalan,” nakangiting saad ni Direk GB.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kiray hihinto muna sa pag-aartista, tutukan nalalapit na kasal at negosyo

MATABILni John Fontanilla PANSAMANTALANG hihinto muna sa pag-aartista si Kiray Celis para mag-focus sa kanyang negosyo, ang …

Nadine Lustre Sierra Madre

Nadine trending sa mala-Sierra Madre photo shoot

MATABILni John Fontanilla VIRAL ngayon sa social media ang mga litrato ni Nadine Lustre na inihahalintulad ito …

Miguel Tanfelix FIberBlaze internet

Miguel nahihilig sa solo backpacker

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOLO backpacker ang peg ni Miguel Tanfelix ngayong ini-enjoy niya ang pag-aabroad. “Mas …

NCCA National Artists

Vilmanian may panawagan sa NCCA 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BINIGYAN kami ng kopya ng mga kapwa Vilmanian ng naging sulat-panawagan nila sa NCCA at CCP …

MTRCB Lala Sotto

Chair Lala Sotto, pinangunahan ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINANGUNAHAN  ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa …