Thursday , November 30 2023

‘Di panapon si Nuyles

DALAWANG manlalaro ang inilaglag ng Rain Or Shine sa unrotected list upang pagpilian ng mga expansion ballclubs na Kia Motors at Blackwater Sports sa Draft na gaganapin sa Biyernes.

Ito’y sina Alex Nuyles at Larry Rodriguez.

Kahit na paano tignan ang sitwasyon, siguradong hindi na babalik ang dalawang ito sa poder ng Elasto Painters. Siguradong dadamputin sila ng Kia Motors at Blackwater Sports!

Aba’y hindi naman talaga patapon ang dalawang ito, e.

Sa totoo lang, walang patapon sa kampo ng Rain Or Shine dahil lahat ng manlalaro doon ay ginagamit ni coach Joseller “Yeng” Guiao. Silang lahat ay bahagi ng sistema. Walang nababangko.

E sa nakaraang Governors Cup Finals ay nagamit ang dalawang ito, hindi ba?

Well, sa dalawang nabanggit, mas ma;amang na makuha kaagad si Nuyles dahl sa kauumpisa pa lang ng kanyang career sa PBA, e . Bale rookie siya noong nakaraang taon. Nauna pa nga siyang napili kaysa kay Jeric Teng na sa second round pa kinuha ng Rain or Shine.

So, marami ang nagtataka kung bakit si Nuyles at hindi si Teng ang pinakawalan ng Elasto Painters.

E, kahit na si Teng ay pag-aagawan din ng mga expansion teams kung nagkataon. Kasi nga’y pang-first round siya kung tutuusin.

Pero si Nuyles na ang napakawalan. At malamang sa maging star siya kung saang koponan man siya mapadpad. Mahaba pa ang kanyang career sa PBA. Alam naman ng mga nakasaksi sa kanyang development kung ano ang puwede niyang maibigay sakaling magkaroon siya ng mahabang playing time.

Hindi lang kasi siya nababad nang husto sa Rain Or Shine dahil sa marami siyang kaagaw sa puwesto.

Si Rodriguez naman ay isang role player na nakapagbibigay ng quality minutes. Emergency center din siya. Wala siyang reklamo kahit na ano pa ang assignment sa kanya. At kung oopensa siya, aba’y mataas ang percentage.

Kung  tutuusin, hindi naman talaga bibitawan ng Rain or Shine ang dalawang ito, e. Nagkataon lang na kailangang mamili ng ilalaglag.

Sabrina Pascua

About hataw tabloid

Check Also

Pickleball, laro para sa Pinoy

Pickleball, laro para sa Pinoy

UMAASA ang liderato ng Philippine Pickleball Federation na tulad ng kaganapan sa ibang bansa, mabilis …

Nagbabalik ang Volleyball World Beach Pro Tour sa Nuvali

Nagbabalik ang Volleyball World Beach Pro Tour sa Nuvali

MAGTITIPON ang mga elite na manlalaro sa buong mundo sa loob ng limang araw sa …

Siargao kampeon sa International Dragon Boat

Siargao kampeon sa International Dragon Boat

DINOMINA ng Siargao Dragons ang apat sa pitong events na nakataya at inangkin ang overall …

Tribesmen sasabak sa PSC IP Games

Tribesmen sasabak sa PSC IP Games

PUERTO PRINCESA — Muling bibigyan ng pagpapahalaga ang mayamang pamana ng kultura ng mga Filipino …

Pagpailaw ng taunang higanteng Belen display

Pagpailaw ng taunang higanteng Belen display

ISINASABUHAY ng Araneta City ang tradisyon nitong Yuletide sa pagpapailaw ngayong taon ng taunang higanteng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *