Thursday , December 25 2025

TimeLine Layout

January, 2018

  • 16 January

    Toni Gonzaga, nag-eenjoy bilang host ng Pilipinas Got Talent!

    MASAYA si Toni Gonzaga sa pagiging bahagi ng top rating reality show na Pilipinas Got Talent. Si Toni ang latest addition sa Kapamilya reality show na kabilang sa judges sina Vice Ganda, Angel Locsin, Robin Padilla at Freddie ‘FMG’ Garcia, with Bill Crawford as host. Ayon sa aktres/singer/TV host, maayos ang trabaho nila sa PGT dahil gamay na niya ang …

    Read More »
  • 16 January

    Precious Cejo, ginawan ng album ni Blanktape

    GINAWAN ng album ng rapper/composer na si Blanktape ang singer na si Precious Cejo. Pinamagatang Ikaw Ang Dahilan, sinabi ni Blanktape na pawang love songs ang nilalaman ng naturang album. “Opo, ako ang album producer, mga love songs ang laman ng album niya… Mga love songs na nakai-in-love. Three songs bale iyon, plus tatlong minus-one, kaya bale six lahat ang …

    Read More »
  • 16 January

    Matinding traffic sa East Avenue prehuwisyo na sa kabuhayan

    ltfrb traffic

    MATAGAL nang inirereklamo ng mga motorista ang prehuwisyong traffic sa East Avenue. At ang isa sa mga dahilan niyan, ang kaliwa’t kanang parking ng mga bus na hinuli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Kaya kung manggagaling sa EDSA, dalawang lane na lang ang nadaraanan ng mga motorista. Ang ipinagtataka natin, napakataas magpataw ng penalty ng LTFRB, e …

    Read More »
  • 16 January

    Immigration nakaalerto kay Kenneth Dong

    ISANG “heightened alert status” sa lahat ng airports and seaports sa buong bansa ang ipinatupad ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente tungkol sa napabalitang pagtakas ni Dong Yi Shan a.k.a. Kenneth Dong, subject ng Immigration Lookout Bulletin Order. Si Kenneth Dong ay kasama sa mga ipina-subpoena ng Senate Blue Ribbon Committee, ang itinuturong “middle man” sa P6.4 bilyong …

    Read More »
  • 16 January

    Obstruction sa Olopsville hindi maaksiyonan! (Attn: San Mateo Mayor Diaz at Brgy. Kap. Canoy!)

    NAGREREKLAMO ang ilang mga residente ng Olopsville sa Brgy. Gulod Malaya, San Mateo Rizal kaugnay sa kawalan ng aksiyon ng mga kinauukulan upang maresolba ang problema sa naturang lugar. Base sa sumbong, matagal na panahon nang hindi nareresolba ang problema ng “right of way” at obstruction sa naturang subdivision dahil walang maayos na liderato ang “Homeowners” sa naturang lugar. Kumbaga, …

    Read More »
  • 16 January

    Matinding traffic sa East Avenue prehuwisyo na sa kabuhayan

    Bulabugin ni Jerry Yap

    MATAGAL nang inirereklamo ng mga motorista ang prehuwisyong traffic sa East Avenue. At ang isa sa mga dahilan niyan, ang kaliwa’t kanang parking ng mga bus na hinuli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Kaya kung manggagaling sa EDSA, dalawang lane na lang ang nadaraanan ng mga motorista. Ang ipinagtataka natin, napakataas magpataw ng penalty ng LTFRB, e …

    Read More »
  • 16 January

    Dalagita na-rape slay (Dumaan sa shortcut)

    rape

    INARESTO ang isang lalaking suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang dalagita sa Digos City, Davao del Sur. Ayon sa ulat ng pulisya, nitong Sabado inaresto ng mga awtoridad ang suspek na si Alfonso Ignacio makaraan ituro ng kaniyang mga kaibigan na responsable sa pagkamatay ng 14-anyos biktima. Ang bangkay ng biktima ay natagpuan nitong Sabado ng umaga nang balikan …

    Read More »
  • 16 January

    Nakaburol na bangkay natupok sa sunog (Sa Baguio City)

    NATUPOK ang 10 bahay gayondin ang ibinuburol na isang bangkay sa naganap na sunog sa Baguio City, nitong Lunes. Salaysay ng nasunugan na si Faye Carreon, sa Huwebes nakatakdang ilibing ng kanilang pamilya ang namayapa niyang asawa. Hinihintay lang aniya nilang makauwi ang anak na galing Japan, ngunit wala nang aabutang lamay makaraan matupok ang labi ng kanilang padre de …

    Read More »
  • 16 January

    3 sugatan sa sunog sa Mandaluyong

    SUGATAN ang tatlo katao habang 30 bahay ang natupok sa naganap na sunog sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City, nitong Linggo ng gabi. Ayon sa ulat ng pulisya, umabot sa ikatlong alarma ang sunog na nagmula sa isang junk shop na puno ng “highly-combustible materials” o materyal na madaling masunog tulad ng plastik at diyaryo. Ayon sa Bureau of Fire …

    Read More »
  • 16 January

    12,000 residente inilikas (Alboroto ng Mayon patuloy)

    LUMIKAS ang umaa­bot sa 3,061 pamilya o 12,044 katao dahil sa patuloy na pag-aalboroto ng Bulkang Mayon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council  nitong Lunes. Kabilang sa sa mga inilikas ang mga residente mula sa bayan ng Camalig, Guinobatan at Malilipot, na nasa paanan ng Mayon, ayon kay NDRRMC spokesperson Romina Marasigan. Magkakaroon din aniya ng forced …

    Read More »