Monday , February 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

“Visa outsourcing raket” aprub ba kay Cayetano?

NAKALATAG raw sa mesa at naghihintay na lamang ng pirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano para maaprobahan ang isang malaking ‘raket’ na maisapribrado ang pagkakaloob ng visa para sa mga dayuhang Intsik na makapasok sa bansa.

Ang panukala ay nakapaloob umano sa “Proposal to Outsource Visa Processing for Chinese Tourists” na isinumite sa tanggapan ni Cayetano bago pa masibak si dating Sec. Wanda Teo sa Department of Tourism (DOT).

Si Teo ang umano’y ‘ninang’ na nagrekomenda sa maanomalyang kasunduan na isinumite ng Shanghai Ever Bright Town International Travel Service Co. Ltd. (SEBTITSCL) sa DFA.

Pinangangambahan na posibleng malagay sa panganib ang seguridad ng bansa oras na maaprobahan ang kasunduan na isalin ng DFA sa pribado at dayuhang kompanya ang pagkakaloob ng visa sa mga Intsik mula sa China na dati ay kabilang sa mga itinuturing na restricted nationality.

May ulat din na ang kompanyang SEBTITSCL na rekomendado umano ni Teo ay dati nang nasangkot sa malaking sindikato ng credit card scam.

Marami talagang ‘matatalino’ at ‘magagaling’ at ‘pangkalawakan’ ang imahinasyon na mabilis umimbento ng raket na pagkakaperahan.

Ang inimbentong raket ay kesyo dahil daw sa bumubuting relasyon sa pagitan ng Filipinas at Tsina na nagresulta sa pagdami ng mga turistang Intsik na pumasok sa bansa.

Ginamit nila ang mga estadistika na kesyo umabot daw sa 900,000 ang turistang Intsik sa bansa noong 2017 at hindi malayo sa inasahan ni Chinese Ambassador  to the Philippines Zhao Jianhua na  1-M ang turistang pupunta sa Filipinas sa 2017.

Sa taong 2018, aabot daw sa mula 1-M hanggang 2-M ang bilang ng mga turistang Intsik kaya’t naging sanhi ng pagdagsa ng mga Intsik na gustong makakuha ng tourist visa.

Sa ulat daw mula sa Philippine Embassy sa China noong unang bahagi ng 2017, tumaas umano ang bilang ng mga nag-a-apply ng visa mula sa 400 kada araw hanggang 1,400 kada araw at inaasahang tataas pa sa 2018.

Inimbento ng mga damuho ang raket na visa outsourcing batay sa tumataas ‘daw’ na bilang ng mga turistang Intsik na pumapasok sa bansa.

Para maiswak ang raket, ginagawa nilang malaking problema ang paglaki ng bilang ng mga turistang Intsik at ang simpleng issuance ng visa ay hindi makakayanang gampanan ng mga konsulado natin sa China dahil sa kakulangan ng tauhan.

Aba’y, para na rin ipinamigay nang libre ang ating kasarinlan bilang isang bansa kung ultimo pagkakaloob ng visa ay ipauubaya na lang basta ng DFA sa mga dayuhang Intsik.

Kapag natuloy ang raket, tiyak na habang panahon ay mistulang namumulot lang ng pera si Teo kahit sibak na siya sa puwesto ay tiba-tiba pa rin, ‘di ba!

Pero ang masama ay parang binasbasan na rin ng gobyerno ang mga katarantadohan na posibleng mangyari kapag napasakamay ng pribado at dayuhang SEBTITSCL ang pango­ngolekta ng bayad sa visa.

Bago pa man siya naitalaga ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte na kalihim sa DOT ay dati nang sangkot sa travel agency business si Teo.

Sa madaling sabi, hindi malayo na madale ang monopolyo sa raket ng nakababahalang visa outsourcing, lalo’t mahabang taon ang bibilangin kapag nalagdaan ang kontrata sa pagitan ng DFA at SEBTITSCL.

Kaya naman nakahahabag ang mga mamamayang ka-DDS na todo ang pagpapa­kamatay sa katatanggol sa pangulo na hindi na nga nagkakapera ay biktima pa ng pagtaas ng mga bilihin.

‘Buti pa ang mga pabigat na bagahe ni Pres. Digong ay masasaya dahil tanggal lang sa puwesto ang pinaka-parusa nila kahit magnakaw.

Harinawa ay makarating naman sa kaalaman ni Pres. Digong ang malaking scam na naghihintay na lang mapirmahan ni Cayetano.

Abangan!

KALAMPAG
ni Percy Lapid

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Isang makatarungang trapik para sa MRT-7

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SIMULA 1 Pebrero, dapat nang maghanda ang mga motorista …

PADAYON logo ni Teddy Brul

“Minahal kita” – Si Kristo sa panig ng Anakpawis (Dilexi Te – Book of Revelation 3:9)

PADAYONni Teddy Brul SA PAGLULUNSAD ng Labor Consultative Assembly na inisyatiba ni Bishop Gerardo “Gerry” …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Paninindigan ni Chiz sa  impeachment vs VP Sara tama, batas dapat masunod

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA GITNA ng matinding tensiyon at ingay ng politika noong kasagsagan …

Sipat Mat Vicencio

Mr. President, bakit hindi ‘urgent’ ang anti-political dynasty bill?

SIPATni Mat Vicencio SA KABILA ng pagdedeklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …