Wednesday , December 17 2025

TimeLine Layout

August, 2021

  • 31 August

    2 manyakis sa quarantine control point timbog
    BAGITONG PULIS, 1 PA KINASUHAN NG SEXUAL ASSAULT

    rape

    IPINAG-UTOS ni PRO3 Regional Director P/BGen. Valeriano De Leon ang agarang pag-aresto at pagsasampa ng kaso laban sa isang bagitong pulis at kasama niya matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa isang babaeng kanilang hinuli sa paglabag sa quarantine protocols (Unauthorized Person Outside Residence), nitong Biyernes, 27 Agosto, sa bayan ng Mariveles, lalawigan ng Bataan. Inakusahan ng pangmomolestiya ng 19-anyos biktima, si …

    Read More »
  • 31 August

    Dating mansion ni Shaq naibenta sa halagang $9 milyon

    Shaquille O'Neal, Kyosuke Himuro

    NAIBENTA  ni Japanese singer Kyosuke Himuro ang dating mansion ni Shaquille O’Neal—na may kumpletong golf simulator at Superman-themed basketball court sa halagang $9 million. Si Himuro na dating ‘’frontman’’ para sa 1980s Japanese rock band Boowy, nabili kay Shaq ang mansion noong 2004 sa halagang $6.4 million at ito ngang nakaraang araw ay nakalista iyon na ibinenta sa halagang $9.25 …

    Read More »
  • 31 August

    Canelo llamado kay Caleb

    Canelo Alvarez, Caleb Plant

    TAHASANG sinabi ng  mga kritiko ng boxing, na sa pagharap ni Canelo Alvarez kay Caleb Plant ay makikita ang isang  ehemplo ng pagiging oportunista ng una. Nakatakdang mag­harap sina Alvarez at IBF champion Plant sa Nobyembre 16  para sa 168-lb championship Ang huling panalo ni Plant ay kontra kay Jose Uzcatequi sa isang 12 round decision. At dahil sa mahihi­nang …

    Read More »
  • 31 August

    Racasa bagong Woman National Master

    Antonella Berthe Racasa, Woman National Master, Chess

    NAKAMIT ni Antonella Berthe Racasa ng Mandaluyong City ang titulong Woman National Master. Si Racasa na nag aaral sa Homeschool Global ay ipinakita ang kanyang husay sa mas nakaka­tandang mga nakalaban. “These things can happen when you want to win so much and are playing so intensely,” sabi ni Robert Racasa, father at coach ni Antonella Berthe na kilalang Godfather …

    Read More »
  • 31 August

    GM So vs GM Carlsen sa 1st Round ng Aimchess US Rapid

    Wesley So, Magnus Carlsen, Champions Chess Tour, CCT

    MAGHAHARAP muli  sina  GM Magnus Carlsen at GM Wesley So sa 1st round ng Aimchess US Rapid para sa karera sa Champions Chess Tour (CCT) overall title. Inaasahan na matalas ngayon ang kundisyon ni So pagkaraang dominahin ang Grand Chess Tour.  Bandera ngayon si Carlsen sa hanay ng mga bigating grandmasters sa CCT overall title, na tanging si So ang may …

    Read More »
  • 31 August

    Fernandez tumapos ng 3rd overall sa Sharjah chess open

    Dandel Fernandez Sharjah Chess

    TUMAPOS  si Arena Grandmaster (AGM) Dandel Fernandez ng  3rd overall sa August Classical Tournament 2021 (Sharjah Chess Open Standard Over the Board) na sumulong  mula Agosto 20 hanggang 26, 2021 sa Sharjah Cultural & Chess Club in Sharjah, United Arab Emirates. Si Fernandez na employee sa Saudi German Hospital Dubai ay tinalo  si Mariam Essa ng  United Arab Emirates tangan …

    Read More »
  • 31 August

    Medalya sa Tokyo Olympics madaling nawalan ng kinang

    2020 Tokyo Olympics Gold Medal

    NAGREKLAMO ang dalawang Chinese Olympians  tungkol sa kalidad ng tinanggap na gintong medalya sa Tokyo Olympics. Ayon sa kanila, ang gold medal ay madaling kumupas na nagmukha  agad na luma. Ang Tokyo Olympic medals ay simulang mawalan ng kinang, ayon sa dalawang Chinese athletes. Sinabi ni Zhu Xueying na ang kanyang medalya ay simulang mangupas at dugtong ni  Wang Shun …

    Read More »
  • 31 August

    Mangliwan diskalipikado sa T52 men’s 400-meters finals

    Jerrold Mangliwan

    TOKYO – Nadiskuwa­lipika si whellchair racer Jerrold Mangliwan sa T52 men’s 400-meters finals sa isang nakaka­pang­hi­nayang na performance sa Tokyo Paralympic Games athletics meet sa Japan National Stadium nung Biyernes. Nakakadismaya ang finale ni Mangliwan na dapat ay nabura ang national record na one minute at .80 seconds sa pagpuwesto niya sa 5th  sa karerang napanalunan ni Japanese Tomoki Sato …

    Read More »
  • 30 August

    Bakuna Bubbles kailangan munang pag-aralan — Abalos

    Kinalap ni Tracy Cabrera MAKATI CITY, METRO MANILA — Habang sumusuporta sa panukala ng pribadong sektor sa pagtatatag ng vaccine bubbles, pinag-iingat ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at concurrent Metro Manila Council (MMC) chairman Benhur Abalos, Jr., na bago ipatupad ang ganitong sistema, kailangan magsagawa muna ng pag-aaral at magka­roon ng vaccination target para sa popu­lasyon ng bansa. Sa …

    Read More »
  • 30 August

    Pulis sa Colorado kinasuhan sa pamamaril sa tuta

    LOVELAND, COLORADO — Sinampahan ng kaso ng mag-asawa ang isang pulis na namaril sa kanilang tuta na kinailangang ‘patulugin’ kalaunan makaraan ang enkuwentro nang magresponde ang mga awtoridad sa sumbong ng kanilang kapitbahay. Noong Hunyo 2019, dumating si Loveland police officer Matthew Grashorn sa bakanteng car park, na kinnaroroonan ni Wendy Love at ng kanyang mister habang pinapatakbo ang kanilang …

    Read More »