Aiko Melendez Sheryl Cruz

Sheryl ipinalit kay Aiko sa Prima Donnas Book 2

I-FLEX
ni Jun Nardo

PAMBUWENA-MANONG handog ng Kapuso Network ang TV adaptation movie franchise na Mano Po Legacy: Family Fortune.

Ang pangunahing aktres na maglalaban-laban sa aktingan ay sina Maricel Laxa, Sunshine Cruz, at Barbie Forteza. Sa January 3 ito mapapanood sa GMA Telebabad.

Sa GMA afternoon prime, ang handog ng GMA ay ang nagbabalik na Prima Donnas Book 2 at si Sheryl Cruz ang kapalit ni Aiko Melendez; Artikulo 24/7 nina Rhian Ramos at Kris Bernal; at ang Little Princess ni Jo Berry.