Tuesday , January 31 2023
Klinton Start Family

Klinton Start, humataw bago magtapos ang year 2021!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KATATAPOS lang ng halos one month na lock-in taping ng talented na bagets na si Klinton Start, para sa seryeng The Broken Marriage Vow ng Kapamilya network.

Nalaman namin sa kanyang mga mahal sa buhay, partikular kina Ann Malig Dizon at Haye Start na nakapasa sa audition sa naturang serye si Klinton thru his own initiatives.

Kaya naman nakipag-chat kami sa young actor/dancer thru Facebook, upang kumustahin at makahuntahan siya.

Sagot ni Klinton nang kumustahin namin kung paano siya napasok dito, “Nag-audition po ako and then thank God, na-approve po ako na makasali sa seryeng The Broken Marriage Vow.”

Dagdag na esplika niya, “Matagal na po nag-start ang taping ng serye, pero ipinatawag po ako, I think last week ng November po at nagte-taping po kami ngayon sa Baguio.”

Tampok sa naturang serye sina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, Zaijian Jaranilla, Jane Oineza, Joem Bascon, Bianca Manalo, Angeli Bayani, at marami pang iba.

Ano ang na-feel niya nang nakapasa sa audition?

Tugon ni Klinton, “Noong nalaman ko po na ako ‘yung napili, talagang sobrang saya ko po dahil siyempre, nakapasa po ako sa audition and teleserye po kasi iyon… at ABS CBN pa po.”

Nabanggit din niya kung ano ang role sa serye. “Ang role ko po rito ay si Macky, na isang bully po, bale teammate po ako ni Gio (Zaijian) at lagi kaming nag-aaway,” pahayag pa niya.

May naging peg ba siyang artista na gumanap na isang bully sa pelikula man o serye, para mas mapaganda ang role niya rito?

“Wala naman po sir Nonie, kumbaga po… naging natural lang ako sa pag-arte po. Iyon po ang ginawa ko,” nakangiting saad pa niya.

Ayon kay Klinton, si Zaijian ang madalas niyang maka-eksena rito. May ibinibigay ba sa kanyang payo or tips si Zaijian sa pag-arte?

Sagot niya, “Wala po, hindi naman po kasi kami masyadong nakapag-uusap dahil kapag nasa set po kami ay naka-focus lang po kami sa work.”

Pahabol pa ni Klinton, “Sobrang bait po ni Zaijian at hindi po siya mahirap katrabaho.”

Isa pang blessing kay Klinton bago magtapos ang year 2021 ay nang maging cover siya ng December issue ng Aspire Magazine. Ang mismong publisher ng Aspire na si Ayen Castillo ang pumili kay Klinton.

Actually, ang young actor na tinaguriang Supremo ng Dance Floor ang cover sa unang edition ng Aspire Magazine na mabibili sa halagang P1,250 sa National Bookstore at 7-11.

Bahagi ng kikitain nito ay mapupunta sa charitable institution na Child Haus.

Ngayon nga ay nakauwi na sa kanilang bahay si Klinton at ipinahayag niya ang labis na kasiyahan dahil ito ang katuparan ng kanyang Christmas wish.

“Wish ko lang po this Christmas is ‘yung magkakasama na po kaming pamilya, masaya na po ako roon. Kasi, halos one month din po akong nahiwalay sa kanila,” masayang sambit pa ni Klinton.

About Nonie Nicasio

Check Also

Arjo Atayde Sylvia Sanchez

Mag-inang Sylvia at Arjo wagi sa 35th Star Awards for TV

MA at PAni Rommel Placente PINANGUNAHAN nina Aiko Melendez, John Estrada, at Pops Fernandez ang mga bituin sa 35th …

Dina Bonnevie

Dina nagparinig sa dapat ginagawa sa cake

I-FLEXni Jun Nardo NAGPASARING si Dina Bonnevie sa nakaraan niyang birthday celebration. Isang server ang nagdala ng …

blind item woman

Character actress sa gabi naliligo para itago ang peklat sa hita at binti 

I-FLEXni Jun Nardo SA gabi pala madalas maligo ang isang character actress. Nalaman ang ugaling ito …

Blind Item, Mystery Man, male star

Male star mas feel lagi na sa probinsiya ang booking

ni Ed de Leon MAS gusto raw ng isang bagets na male star na kung sakali at …

Roderick Paulate

Apela ni Kuya Dick sa Sandigang Bayan ‘di kinatigan

HATAWANni Ed de Leon SIGURO nga maraming tao sa showbusiness ang concerned sa kilalang actor …