Tuesday , July 16 2024
Dingdong Dantes John Arcilla

Dingdong at John nakabibilib ang galing sa A Hard Day

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAS mahusay, mas maganda, at mas magaling sina Dingdong Dantes at John Arcilla sa Philippine adaptation ng 2014 South Korean Crime Action film na A Hard Day na entry sa 2021 Metro Manila Film Festival ng Viva Films.

Pinagbidahan naman nina Lee Sun-Kyun at Cho Jin-woong ang South Korean film.

Mas maganda rin ang pagkakadirehe ni Lawrence Fajardo kompara kay Kim Seong-Hun.

Actually, parehong-pareho at walang binago ang pagkakalahad ng Philippine adaptation kaya hindi maiwasang maikompara.

Mas nagustuhan namin ang Philippine adaptation dahil ibang klase ang husay na ipinakita nina Dingdong at John sa kanilang pag-arte. Talagang pang-best actor at best supporting actor.

Kaya posibleng magkamit din sila (ng awards) tulad ng Korean version na maraming nakuhang award mula sa iba’t ibang award-giving bodies kabilang na ang Baeksang Arts Awards na itinanghal na Best Actor at Best Director.

Naawa lang kami kay Dingdong na bugbog sarado bilang detective na nakasagasa ng hindi niya alam na wanted kaya naman para maitago ang krimeng ginawa, isinama sa kabaong ng ina ang lalaki.

Nabwisit naman kami kay John na talaga namang napakahusay bilang kalaban ni Dingdong na nakasaksi sa krimen nito kaya binlack-mail ang aktor.

Humanga kami sa maraming shots ni Direk Lawrence. Maraming tagpo ang nakagugulat tulad ng blasting at iyong paghulog ng malaking container.

Isa itong magandang pelikula ni Direk Lawrence na karapat-dapat pag-aksayahang panoorin handog ng Viva Films ngayong 2021 Metro Manila Film Festival.

Bukod kina Dingdong at John, kasama rin sina Janno Gibbs, Meg Imperial, Al Tantay, Lou Veloso, Rafael Siguion Reyna at marami pang iba. Mapapanood ito simula December 25 sa mga sinehan.

Sa kabilang banda, nanawagan naman si Dingdong ng tulong para sa mga biktima ng bagyong Odette. 

“Now more than ever, ito ’yung panahon na kailangan nating ipakita ang suporta natin sa ating mga kababayan,” aniya sa isinagawang red carpet premiere ng A Hard Day sa SM Megamall noong Miyerkoles ng gabi.

Sumuporta kay Dingdong sa premiere night ang mga kasama niya sa pelikulang sina Janno at Meg. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

James Reid Issa Pressman

James Reid lipas na, inulan ng panlalait sa internet 

HATAWANni Ed de Leon KAWAWA rin naman si James Reid kung noong panahon ng kanyang kasikatan ay …

cyber libel Computer Posas Court

Batas laban sa Cyber Crime malabnaw

HATAWANni Ed de Leon NATAWAG ang aming pansin sa isang video na napanood sa programa …

The EDDYS at Urian buo ang kredibilidad sa pagbibigay ng award

HATAWANni Ed de Leon KUNG mga award ang ating pag-uusapan, para sa amin ay mas …

InnerVoices

InnerVoices patuloy sa paghataw, 2 songs ng banda official entries sa Awit Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MARAMING aabangan sa InnerVoices bago matapos ang taon. Kabilang dito …

Marian Rivera Balota Kip Oebanda

Balota  pinalakpakan sa Cinemalaya

RATED Rni Rommel Gonzales PINASILIP ang ilang eksena ng Cinemalaya entry na Balota, ang pelikulang pinagbibidahan ni Marian Rivera, sa …