Wednesday , April 8 2026

TimeLine Layout

November, 2022

  • 23 November

    Tunay na malasakit ipinadama
    HEPE NG LAGUNA PPO BUMISITA SA MGA BIKTIMA

    Randy Glenn Silvio HEPE NG LAGUNA PPO BUMISITA SA MGA BIKTIMA

    PERSONAL na bumisita si P/Col. Randy Glenn Silvio, Acting Provincial Director ng Laguna PPO sa isang biktima ng krimen nitong Lunes ng hapon, 21 Nobyembre, sa Laguna Provincial Hospital, sa lungsod ng Sta. Cruz. Sa pamamagitan nito, naipadama ni P/Col. Silvio ang tunay at taos-pusong pagmamalasakit kasama ang Ladies Officer Club at si P/Capt. Ed Richard Pacana, hepe ng Lumban …

    Read More »
  • 23 November

    Ina, 3 teenager na anak sugatan sa sagitsit ng matalim na kidlat

    lightning kidlat

    NASAKTAN at nasugatan ang apat na miyembro ng isang pamilya nang tamaan ng kidlat ang kanilang bahay sa Sitio Racudo, Brgy. Talisay, bayan ng San Andres, nitong Lunes ng gabi, 21 Nobyembre. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Marivic Urtal, 43 anyos; at kanyang mga anak na sina Annarose, 19 anyos; Annabel, 12 anyos; at Annamarie, 16 anyos, pawang …

    Read More »
  • 23 November

    RSA, nagbukas ng livelihood center para sa mga taga-Bulakan, Bulacan 

    SMC San Miguel RSA SMAI livelihood center

    PINAG-IBAYO ng San Miguel Corporation (SMC) ang pagbibigay ng kabuhayan at pagkakataong makapagnegosyo ang halos 500 pamilya sa bayan ng Bulakan, lalawigan ng Bulacan matapos buksan ang isang livehood center at pormal na pagbubuo ng consumers’ cooperative habang patuloy ang trabaho sa itatayong New Manila International Airport (NMIA).   Sa pamamagitan ng San Miguel Aerocity Inc. (SMAI) Livelihood Center, ang mga …

    Read More »
  • 23 November

    Bulacan provincial gov’t namahagi ng ayuda, 12,000+ pamilya nakinabang

    Daniel Fernando Alexis Castro Bulacan ayuda

    NAKATANGGAP ang may kabuuang 12,068 pamilyang Bulakenyo na naapektohan ng bagyong Karding at Paeng ng relief goods mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare & Development Office (PSWDO). Inatasan ni Bulacan Governor Daniel Fernando si PSWDO head Rowena Tiongson na magsagawa ng relief operations na nagsimula noong 18 Nobyembre sa bayan ng Calumpit na may …

    Read More »
  • 23 November

    Manyak na rapist nakalawit, 2 wanted, 9 tulak nabitag

    Bulacan Police PNP

    NAGWAKAS ang matagal nang pagtatago sa batas ng isang lalaki na may kasong panggagahasa nang maaresto kabilang ang dalawa pang pinaghahanap ng batas at siyam na hinihinalang tulak sa operasyong isinagawa ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Martes, 22 Nobyembre. Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang arestadong suspek na si Andy Villagracia, …

    Read More »
  • 23 November

    Kasunod ng pagsabog sa Sta. Maria, Bulacan
    RANDOM INSPECTION SA MGA MANGGAGAWA, MANGANGALAKAL NG PAPUTOK INIUTOS

    paputok firecrackers

    MAHIGIT isang buwan bago ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon, ipinag-utos ni P/BGen. Cezar Pasiwen, PRO3 Regional Director, na magsagawa ng random inspection sa mga manggagawa at mangangalakal ng paputok kasunod ng nakaraang pagsabog sa Sta. Maria, Bulacan. Ipinahayag ni P/BGen. Pasiwen, ang pakikipag-ugnayan sa local government units ay kanilang isinagawa upang matiyak na lahat ng mga kinakailangan batay …

    Read More »
  • 23 November

    Ms L’s priority ang good health ng mga Pinoy

    Loiegie Dano Tejada Ms Ls Beauty

    MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang katatapos na grand opening ng Ms L’s Beauty and Wellness Corporation Commercial Center, sa West Avenue, Quezon City kamakailan sa pangunguna ng CEO & president nitong si Loiegie Dano-Tejada kasama  ang mga business partners na sina Vice President Leslie Tobia-Intendencia, Marketing Manager Gerry DeVera Gascon, at Marketing Director Benjardi Ante Raguero. Ang commercial center sa Westria Residences ang  magsisilbing main office ng …

    Read More »
  • 23 November

    Aljur gusto pang balikan si Kylie

    Kylie Padilla, Aljur Abrenica

    MATABILni John Fontanilla UMAASA pa rin si Aljur Abrenica na magkakabalikan sila ni Kylie Padilla. Sa isang interview ay sinabi ni Aljur na mayroon pang posibilidad na magkabalikan  sila ni Kylie dahil, “wala namang nakaaalam kung anong mangyayari. “Hindi ko nga alam na maghihiwalay kami eh. Hindi ko nga alam na magkakaanak kami, ‘di ba?”  Humingi rin ito ng tawad sa mga taong nasaktan …

    Read More »
  • 23 November

    Mamasapano: Now It Can Be Told, mapapanood na finally simula Dec. 25

    Mamasapano Now It Can Be Told Ferdie Topacio Edu Manzano

    ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAPAPANOOD na ang pelikulang Mamasapano: Now It Can Be Told sa ilalim ng Borracho Film Productions ni Atty. Ferdie Topacio. “It has been a long, hard battle, but finally, maipalalabas na siya sa December 25,” sambit ng kontrobersiyal na abogado. Si Atty. Topacio ang abogado ng mga magulang ng mga namatay na SAF 44. “Ako …

    Read More »
  • 23 November

    Julia Victoria, nakipaglampungan sa 3 barako sa pelikulang Kabayo

    Julia Victoria Angelo Ilagan Rico Barrera

    ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KASALUKUYANG nagsu-shooting sa Tacloban City si Julia Victoria para sa pelikulang Kabayo. Bukod kay Julia, tampok din sa pelikula sina Rico Barrera, Angelo Ilagan, Apple de Castro, Francesca Flores, Ping Medina, at Paolo Rivero. Directed by Gian Franco, ito’y prodyus ng LDG Pinoyflix at ni Manuel Veloso. Dito’y gumaganap si Julia bilang si Lorraine, isang …

    Read More »