Wednesday , May 29 2024
Lito Lapid Mark Lapid Coco Martin FPJ

Sen Lito Lapid aminadong ‘di pwedeng kalimutan ang showbiz

SOBRA-SOBRA ang pagmamahal ni Sen Lito Lapid sa showbiz kaya naman kahit abala sa pagiging public servant hindi pa rin  nito nakakaligtaan ang gumawa ng pelikula o serye.

Anang senador, hindi niya maaabot ang kasalukuyang kinalalagyan kung wala ang showbiz. Kaya naman pagkatapos tumatak ang karakter na ginampanan sa action-serye ni Coco Martin bilang Pinuno sa FPJ’s Ang Probinsyano, muli silang magsasama ng actor-producer sa FPJ’s Batang Quiapo.

Sa thanksgiving at pre-Valentine lunch ng senador sa entertainment press kahapon ng tanghali naikuwento nitong magsisimula na siyang magtaping ng FPJBQ. Parang supremo naman ng mga mandurukoy ang gagampanan niya.

Parang ako raw ‘yung pinaka-hari ng mandurukot o supremo sa Quiapo. Parang ‘yung role ni FPJ (yumaong Fernando Poe, Jr.) doon sa ‘Batang Quiapo,’” pagbabahagi ng aktor/politiko.

Nasabi pa ng senador na malaki ang utang na loob niya kay Coco na hanggang ngayon ay hindi siy nakakalimutan. Tinatanaw din niya ng utang na loob ang pagkapanalo sa nakaraang eleksyon sa FPJAP.

 “Hindi naman lingid sa ating lahat na nakilala ako ng millennials. Dati kasi, mga senior citizens lang ang nakakakilala sa akin. Mga pelikula ko noong araw, tinatawag akong ‘Leon Guerrero.’ Pagkatapos ng ‘Probinsyano,’ tinawag akong ‘Pinuno,’ ‘Yun ang kilala ng mga kabataan.

“Lalong-lalo na noong tumakbo akong Senador, tumaas ‘yung ranking ko, naging no. 7 ako. Kaya nagpapasalamat ako unang-una kay Coco Martin dahil nabuhay uli ang career ko bilang artista, at ngayon nga, nabibigyan na naman kami ng pagkakataon dito sa ‘Batang Quiapo,’” sambit pa ng senador.

Kasama rin ni Sen. Lito ang anak niyang si Mark Lapid sa Batang Quiapo. (MVNicasio)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angel Guardian Running Man PH

Angel ‘di na habol manalo, mas gustong mag-enjoy bilang runner

RATED Rni Rommel Gonzales ULTIMATE Runner sa Season 1 ng Running Man Philippines si Angel Guardian kaya natanong ito …

Aica Veloso Kulong

Aica nais kumawala karanasan sa isang kapitbahay

RATED Rni Rommel Gonzales NAGBAHAGI ng kanyang mapait na karanasan ang Vivamax female star na si Aica Veloso nang …

Paolo Ballesteros Kira

Paolo hinangaan pag-e-escort sa prom ng anak

MATABILni John Fontanilla SINALUDUHAN at pinuri ng netizens ang Eat Bulaga host na si Paolo Ballesteros nang mag-escort ito …

Kathryn Bernardo FAMAS

Kathryn nasungkit 1st FAMAS Best Actress award

MA at PAni Rommel Placente SI Kathryn Bernardo naman ang wagi bilang Best Actress para sa mahusay …

LA Santos FAMAS

LA Santos Best Supporting Actor ng 72nd FAMAS award

MA at PAni Rommel Placente SI LA Santos ang is tinanghal na Best Supporting Actor sa katatapos …