Saturday , February 4 2023
Beautederm Rhea Tan

Beautederm Corporate Center grand opening star studded

MATABIL
ni John Fontanilla

STAR STUDDED ang launching ng Beaute Beanery at unveiling ng Beautederm Corporate Headquarter sa Angles City, Pampanga last Saturday, January 21, 2023 na rito rin matatagpuan ang BeautéHaus at A-List Avenue.

Dumalo ang ilan sa brand ambassadors ng Beautederm na sina Sylvia Sanchez, Bea Alonzo, Korina Sanchez, Darren Espanto, Jane Oineza, Ynez Veneracion, Boobay, DJ Cha Cha (na nagsilbing host) atbp. na pare-parehong nagbigay ng mensahe at bumati kay Ms Rhea Anicoche-Tan.

Sa opening speech ni Ms Rhea ay pinasalamatan nito ang kanyang pinakamamahal na ina na si Ms. Pacita Ramos Anicoche.

Ayon nga kay Ms Rhea, Educator kasi ang mother ko kaya nakaka-pressure na magkamali. 

” I love her and I am forever grateful to my mother.  

“Blessed people are those who honor their mothers. Kahit sa anong paraan. Honor them, love them, and see them. 

Dahil totoo naman, behind every successful woman is a woman. And that woman is my mother.

Kuwento naman ng mother ni Ms Rhea, “I am so proud of Rhea. She’s very generous, kind and she’s a learner.”

Proud na proud si Mommy Pacita sa kanyang anak na sobrang hardworking, mabait, generous, at matulungin.

Habang naniniwala naman si Ms Rhea na lahat ng bagay na sinasabi ay nagkaka-totoo at patunay dito ang kanyang sinasabi. Basta samahan lang ng pagiging masipag, masinop, dasal, at wag maiinggit sa iba, bagkus ay maging masaya sa success ng iba at  gawin itong inspirasyon para umasenso at matupad ang iyong mga pangarap.

At sa pagbubukas ng kanyang kauna-unahang Beautederm Corporate Headquearters ay marami pa ang kasunod nito sa buong Pilipinas.

This is the first building. Nine more to go. Money-festing!” 

Ang Beautederm Corporate Headquearters ay matatagpuan sa Lot 2 Blk. 19 corner San Jose and Mc Arthur Highway Santo Domingo, Angeles City, Pampanga. 

About John Fontanilla

Check Also

Rhian Ramos Paolo Contis

Rhian sa pagsasama nila Paolo: Matagal ko na siyang gustong makasama, nagagalingan ako sa kanya

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay magtatambal sa isang pelikula sina Rhian Ramos at Paolo Contis. …

Cassy Legaspi JK Labajo Darren Espanto

Cassy nagulat, walang alam sa away noon nina JK at Darren 

RATED Rni Rommel Gonzales IKINAGULAT namin na ni wala palang kamalay-malay si Cassy Legaspi na nagkaroon ng mainit …

Barbie Forteza Jak Roberto

Jak nakasisiguro kay Barbie, hindi ipagpapalit sa iba

I-FLEXni Jun Nardo SECURED ang Kapuso hunk na si Jak Roberto sa relasyon nila ng girlfriend na si Barbie Forteza. …

LJ Reyes Paolo Contis Yen Santos

Paolo ipinagtanggol si Yen, ‘di raw siya inagaw kay LJ 

I-FLEXni Jun Nardo INABSUWELTO ni Paolo Contis ang girlfriend na si Yen Santos nang ipalabas ang part 2 ng …

Blind Item, Gay Lovers, matinee idol, male star

Male star na-inlab kay poging actor na ayaw na siyang makatrabaho

ni Ed de Leon ANG totoo pala, talagang nagkagusto ang isang male star na kalabisan naman sigurong …