Tuesday , February 7 2023
Maymay Entrata Mother

Birthday message ni Maymay sa ina makabagbag-damdamin

MA at PA
ni Rommel Placente

SOBRA namang nakaka-touch ang birthday message ni Maymay Entrata para sa kanyang ina na si Lorna.

Sa kanyang Instagram account ay ibinandera ni Maymay ang litrato nilang mag-ina. 

Ayon sa caption ng aktres, ang nanay niya ang dahilan kaya nalampasan niya ang mga pagsubok na hinarap sa buhay.

Sabi ni Maymay, “Happy Birthday mama , ikaw po ang pinakamalaking inspirasyon ko kung bakit nalalampasan ko bawat pagsubok bilang isang breadwinner.

“Inay kita pero ikaw pa ‘yung nahihiyang humingi ng tulong mula sa akin.

Kaya mas lalo akong ginaganahang ibigay po sa ‘yo lahat kasi na appreciate mo po lahat ng pinaghirapan ko,”aniya pa.

Nagpapasalamat din si Maymay sa Diyos dahil binigyan siya ng ina na katulad ni Mommy Lorna.

Wala sa katiting ang pinaghirapan ko sa pinagdaanan mo ma, kaya habambuhay ako saludo at nagpapasalamat sa Panginoon na may ina/ama akong tulad mong mapagmahal, malakas ang loob at mapagpatawad. Mahal na mahal kita ma, Happy Birthday.”

About Rommel Placente

Check Also

LA Santos

LA Santos kinilig nang manalo sa 35th PMPC Star Awards for Television

MATABILni John Fontanilla GRABE ang kilig ni LA Santos nang magwagi bilang Best New Male TV Personality …

Bela Padilla Marco Gumabao Spellbound

Bella, Marco parehong mahusay sa Spellbound

MATABILni John Fontanilla BONGGA ang  Pinoy adaptation ng Korean blockbuster film na Spellbound na siyang magiging pre-Valentine …

Robin Padilla Kylie Padilla Gabby Garcia Gina Pareño

Robin wish ni Kylie na mag-guest sa Mga Lihim ni Urduja

COOL JOE!ni Joe Barrameda PUSPUSAN ang taping ng Mga Lihim Ni Urduja na siyang papalit sa Maria Clara …

David Licauco

David Licauco sinuwerte sa Maria Clara at Ibarra

COOL JOE!ni Joe Barrameda SA bagong yugto ng Maria Clara at Ibarra ay napakaganda ng Pastor nila …

LA Santos

LA Santos kaabang-abang ang proyekto kasama si Maricel Soriano

COOL JOE!ni Joe Barrameda TUWANG-TUWA si LA Santos nang tanggapin niya ang Best New Male Artist trophy …